chapter 7

1924 Words

Akala ko at ng mga kasamahan ko sa bahay ay tuloy-tuloy na ang katahimikan ng mga buhay namin dahil mukhang tumitino na naman iyong prinsipe ng kasutilan. Pero may expiration pala ang kabaitan ng mokong na iyo dahil heto ako ngayon sa loob ng presinto kasama ang abogado ng mga Santibañez upang makipag-areglo sa panibagong reklamo na kinaharap ni Xavier. Nakatanggap kami ng tawag mula sa presintong ito na nandito raw itong magaling na lalaki dahil nambugbog lang naman. Ang akala kong pumasok ang mokong na ito ngayong araw ay mali pala dahil tumambay lang sila ng mga barkada niya sa dati nilang tambayan at hayon na nga nakahanap ng suntukan. Kasama rin niyang inireklamo ang mga kabarkada niya na ngayon ay may kanya-kanyang dalang abogado. Mukhang sanay na sanay sa areglohan ang mga ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD