chapter 3

1247 Words
Nag-iyakang mga katulong ang nagisnan ko kinaumagahan. Nakahilera sila sa labas ng silid ng apo ni Don Germio at parang nagtuturuan kong sino ang papasok sa loob. "Excuse me po. Ano pong problema?" tanong ko sa mga ito. Agad na ngumawa iyong dalawa sa apat na naroon. Kapwa may mga bukol ang mga ito sa noo. " Ayaw ko na pong pumasok sa loob ng silid ng demonyitong lalaking iyan! Tingnan mo itong noo ko, tinubuan ng maliit na bundok dahil binato niya ako ng lampshade," sumbong nung isa. " Mas lalong ayoko naman! Ang sakit kaya tamaan ng glass na picture frame na sa noo ko pa nabasag," hiyaw ng isa. "So paano na iyan? Kabilin-bilinan ni Don Germio na kailangan makapasok ni Sir Xavier ngayong araw na ito. Tayong lahat ang malalagot nito eh," maluha-luhang sabi nung isa. " Magre-resign na lang ako. Ayoko na dito! Okay lang si Don Germio pero iyong apo niya, may pagkahitler ang ugali," umiiyak na sabi ng isa. Mukhang natatakot silang lahat na pumasok sa loob ng silid ni Xavier ah. "Ano po ba ang dapat gawin?" tanong ko. " Kailangan siyang gisingin para makaligo na at nang makakain tapos papasok na siya sa paaralan," konsumisyong sagot nung may bukol sa noo. "Grabe, college na siya pero parang kinder pa rin dahil kailangan pang piliting pumasok," mangha kong saad. " Ang problema namin ay kung sino ang handang maputukan ng galit ni Sir Xavier at gisingin ito ngayon?" lalong umiyak na tanong ng isa sa mga katulong. Kung makaiyak naman itong si Ate akala mo kota ng mga rebelde ang susuungin. "Ako na lang po!" presenta ko. Awang ang mga bibig na napatingin sila sa akin. Tumulo pa ang sipon ng isa dahil sa gulat. " Sigurado ka?" nagdududang tanong nung isa. "Opo! Ako na pong bahala," malakas ang loob kong sabi sabay pasok sa loob ng silid. Grabe, ang laki ng silid niya! May collection siya ng mga car toys at halos ito na ang umukopa sa kalahati ng silid niya. Ang laki din ng kama niya at mukhang ang lambot-lambot kaya siguro parang ayaw niyang bumangon. " Xavier...gising na," agad kong sabi doon sa taong nakahiga sa gitna ng malapad na kama. "Get out!!" halos mabingi ako sa lakas ng bulyaw niya sa akin at mas lalo pang nagtalukbong ng kumot. " Pero po, kailangan niyo po talagang bumangon para pumasok sa school," mahinahon kong sabi kahit nanggigigil na ako. Aba, ang swerte na nga niya kompara sa mga bata sa bahay ampunan na kinalakihan ko tapos heto at siya pa kailangan sapilitang gisingin para pumasok sa pangmayaman niyang paaralan. "Leave me alone!! Get ouuuut!!" Umusok na iyong ilong ko dahil sa pagsigaw-sigaw niya. Nang tingnan ko iyong oras sa suot kong wristwatch ay nagsalubong ang kilay ko. "Sir, male-late na po kayo," pigil pa rin ang inis kong sabi. Imbes na bumangon ay dinedma lang ako nito. Ayaw mong gumising ah. Naiinis na ako!! Mabilis akong pumasok sa loob ng banyo dito sa kwarto niya at naghanap na pwedeng malagyan ng tubig. Isang malaking tabo ang parang naiwan ng naglilinis dito ang napansin ko sa ilalim ng sink niya kaya pinuno ko iyon ng tubig. Paglabas ko na banyo ay ganun pa rin ang posisyon niya sa kama. " Xavier, gising na!" malakas kong sabi sabay buhos sa kanya ng dala kong tubig. "F*ck!! Shiiit!" halos matanggal ang lahat ng tutuli ko sa lakas ng sigaw niya. Napabalikwas siya ng bangon sabay napahilamos dahil sa tubig na bumasa sa buong mukha niya. Pati iyong buhok niya ay tumutulo ang tubig na tiyak bumasa din sa hinihigaan niya. Basa nga pati iyong kumot at unan na gamit niya. " How dare you!" Nanlilisik ang mga matang nakatingin siya sa akin. Napakurap naman ako. Ngayon ko lang nakita ng personal ang apo ni Don Germio, ang gwapo niya pala kahit para siyang basang sisiw. "Good morning!" masigla kong bati at di pinansin ang nakakamatay niyang tingin. " You b***h-" Agad ko siyang binato ng hawak kong tabo. Sapul siya sa mukha kaya natigil siya sa pagsasalita at malakas na napaaray! "Ay, sorry... Ganun talaga ako pag nagugulat," nakangiti ko pa ring sabi. Mas nakakatakot na itong nakatingin sa'kin ngayon kumpara kaysa kanina. Sapo nito ang dumudugong ilong. " You broke my nose! I'll sue you for this! Ipakukulong kita!" halos maglabasan na ang litid na sigaw nito. Nag-init naman bigla ang ulo ko dahil naalala ko ang mga katulong na pinagbabato niya kaya nagkabukol pero di man lang naisip magdemanda. Ano ito? Pag katulong ang sinaktan, okay lang? Iiyak lang? Pero 'pag siya ang nakanti ay demandahan agad? "Gago ka palang siraulo ka! E kung gumising ka na agad nung ginigising ka e di sana walang nasaktan! Pero dahil nga spoiled ka masyadong tarantado kang bata ka kaya umabot tayo sa ganito! Demandahan ang gusto mo? E kung sunugin ko kaya itong bahay mo habang igagapos kita diyan sa kama mo na ayaw mong iwanan madedemanda mo pa kaya ako?" humahangos kong bulyaw sa kanya at dinuruduro pa siya dahil sa sobrang inis. " W-who are you?" bigla nitong tanong habang nakatangang nakatitig sa akin. "Bwesit ka! Matapos - hah?" Napakurap akong napatigil sa paglilitaniya sana dahil parang may sinabi siya. " Sino ka?" tanong nito habang nakatitig pa rin sa akin. "Ehem! Ako si Rose, Rose Gracia. Ako iyong itinalaga ng lolo mo na magbabantay sa iyo habang wala siya," mahinahon kong pakilala. " Mag-aalaga sa akin? Ano ako bata?" nasamid nitong tanong. "Oo nga, di ka na bata kaya umayos ka!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ko sa kanya. " Ayaw ko sayo!" sigaw nito. "Mas lalo naman ako!" sigaw ko pabalik. " Lumayas ka dito sa pamamahay ko!" "Wow! Bahay mo ito? Bahay mo? Kapal ah!" "Bahay ko ito dahil bahay ito ng mga magulang ko!" "E di bahay mo! Inaangkin ko ba?" "Baliw ka!" "Alam ko! Kaya nga nandito ako ngayon sa bahay mo kasi baliw ako na pumayagpayag sa hiling ng Lolo mo! Kaya umayos ka kundi tatamaan ka sa akin!" Inindaan ko siya ng suntok. "Di mo ako masisindak! Marunong ako sa martial arts! Marami na akong nabugbog!" mayabang nitong sabi. " Black belter ako sa taekwondo, judo at karate. Three consecutive years na ako nag-champion sa mixed martial arts nationwide at representative ako ng bansa for international competition this year," pahayag ko. Nakataas ang noo ko sinang sinamaan ng tingin. Nagsukatan kami ng tingin. Parang tinatantiya niya kung nagsasabi ba ako ng totoo pero di ako pumiksi at sinalubong ng naghahamong tingin ang mapanuri niyang mga mata. "Male-late na ako. Makaligo na nga," anito. Pairap itong bumaba nang mabilis sa kama upang pumasok sa loob ng banyo. "Paglabas ko dapat wala ka na! Di ako natatakot sa'yo kahit mag-champion ka pa internationally!" mayabang nitong sabi bago pabagsak na sinara ang pinto. Napaingos naman ako at nagmamadaling lumabas nang maisip na ako iyong tiyak na male-late kung babagal-bagal ako. Nadaanan ko sa labas ng pinto iyong mga katulong na kausap ko kanina. Kapwa sila tulala na nakasunod ang mga tingin sakin. Tiyak narinig nila ang sigawan namin ni Xavier kaya siguro na-shock sila ngayon. Mamaya na ako magpaliwanag sa kanila kasi maliligo pa ako. Pahamak talaga ang lalaking iyon, ang dami pa kasing kaartehan, gigising din pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD