True to his words, halos pagabi na nang hinayaan ako ni Xavier na lumabas ng silid. Baka isipin niyong jugjugan lang kami doon maghapon hah, pwes hindi noh! May break din namang nangyayari at tsaka naglaan din ng oras si Xavier upang pakainin ako at magreturn call ako sa Fit&Fab. Iyon ngalang ilang beses din niyang pinagsamantalahan ang kahinaan ko which is gustong-gusto naman ng malanding bahagi ng isipan ko. Sa dalas na sambahin ni Xavier ang katawan ko ay di na ako magtaka kung memorize na niya bawat kurba at anggulo ko. Napansin ko rin masyado siyang clingy. Nasa kwarto na nga kami maghapon pero ang gusto niya ay nakalingkis parin siya sakin. Di ba siya nagsasawa sa kakayakap sakin at kakasubsob ng mukha niya sa leeg ko? Halos magkasing-amoy na nga kami kasi kumapit narin sakin

