"Is it okay, Tita? Hindi po ba daring masyado?" umikot pa ako sa harapan ng full length mirror dito sa loob ng kwarto ko. Siya kasi mismo ang pumili ng damit ko. Ang suot ko ay color royal blue spaghetti strap bodycon dress. Kitang kita ang kurba ng katawan ko dito, wala naman akong fats sa tiyan dahil patag ito. Ganunpaman ay hindi pa rin ako sanay. Medyo exposed ang cleavage ko at panay ang angat ko ng itaas na bahagi ng dress dahil naaalibadbaran ako. "It's fine, Sandra. Party dress ang suot mo, for sure hindi ka mahihiya kapag nasa venue na kayo. Just enjoy the night ha? Wag kang lalayo sa pinsan mo. Wag ka rin magpapakalasing ah?" Ngumiwi ako. "Hindi naman po ako manginginom, Tita." humalakhak sya dahil sa sinabi ko. "Ganun ba? Sige at ibibilin kita sa pinsan mo para hindi ka paba

