Maayos na sana ang lahat.... Nakapag empake na ako ng mga gamit na dadalhin. Nakabihaye na kami at nakarating na sa Manila. Nag request lang ako na kumain kami sa dinaanan naming restaurant. Pinasundo lang kasi ako ni Tita sa tauhan niya, hindi na sumama sila Inay sa paghatid dahil mas lalo lamang daw silang malulungkot. Naiintindihan kong nahihirapan sila sa sitwasyon pero kinakaya nila. The big problem is... my phone got snatched while nasa kalsada ako. Hindi ko na nahabol ang lalaking snatcher, napaiyak na lang ako sa lungkot at inis. "Ma'am hayaan nyo na lang po. Baka mapahamak pa kayo kung babaiwin nyo." inawat na ako ng driver na kasama ko. Wala kasi kaming ibang kasama, wala na akong nagawa kundi sumama na lang sa kanila papunta sa bahay ni Tita Sally. Naiiyak na ako ngayon pa l

