Chapter 7

1953 Words
Expect the unexpected. Ganyan talaga dapat ang motto in life. Gaya ng nangyari sa buhay ko, buhay namin ng pamilya ko. Namumuhay lang naman kami ng payapa at simple m Barely living. Pero sa isang iglap, biglang nagbago ang lahat. Sa isang pikit mata, nadagdagan bigla ang aming pamilya. Masaya kong pinagmasdan ang pamilya ko. My mother, Sabelita Florencio de Caridad-Munlaon is happily talking with her sister Sally Florencio de Caridad-Hernandez together with their mother Donya Sollana Florencio de Caridad. Nagkapatawaran na sila. Alam kong mahirap ito para kay Inay, but she still did. Ipinakilala niya din ako sa Lola ko. "Sya si Alessandria Munlaon, ang anak ko Mommy." nag bless ako sa matanda, tipid lang siyang ngumiti at hindi nagsalita pa. They toured me around the house. Ipinakita nila sa akin ang bawat sulok, the insides of every room. Maging ang dating pinaglalaruan nilang garden at sa likurang bahagi kung saan may pool na walang tubig dahil wala na daw gumagamit nito matagal na. Hiling ni Lola na doon kami mag stay for the night. My mother was hesitant but pumayag din naman ng maging ang mga kasambahay ay pilitin siya. So, here we are. Dito ako sa kwarto ni Tita Sally matutulog, it's neat and clean. Araw-araw pa din daw kasi itong nililinisan kahit na walang tumutuloy. The room feels accommodating. Tita Sally gave us fresh clothes since nasa bahay niya pa ang mga gamit namin. Ganito siguro talaga ang mga mayayaman, accessible sa lahat. Kinatok ko ang kwarto nila Inay bandang gabi. Hindi kasi ako mapakali, gusto kong maglakad lakad. Hindi na ako sanay na hindi nakakapag papawis sa kada araw. "Oh, anak may problema ba?" salubong sa akin ni Inay. Ngumiti ako at umiling. "Wala naman po, Inay. Hindi lamang ako makatulog dahil pakiramdam ko'y kailangan kong maglakad-lakad. Magpapaalam sana ako kung pwedi ba akong lumabas? May nakita kasi ako kanina sa kanto na convenience store. Gusto ko sanang puntahan at bibili ako ng snacks. Maglalakad po ako para mapawisan, alam mo na, sanay ako sa araw-araw na mahaba ang nilalakad kaya naninibago po ako." Agad namang nabahala ang Inay. "Naku, baka mapano ka? Hindi ito katulad sa atin sa bundok, magulo ay Maynila at hindi ligtas magpalakad-lakad." Napakamot ako sa ulo. "D'yan lang po ako sa labas, Inay. At saka, nasa loob naman tayo ng subdivision diba? May guards sa kanto, for sure safe dito. Diba dito ka po lumaki?" Sakto namang dumating si Manang Berta. "May problema ba, Sabelita?" tanong niya sa aking Inay. Agad namang sumagot si Inay, sinabi niya ang gusto kong mangyari. Gusto kong magdiwang ng ngumiti si Manang. "Hayaan mo na, Sabelita ang iyong anak. Ligtas sa lugar na ito, wala pang nababalita na may nangyaring masama dito dahil mahigpit ang seguridad. Kung diyan lang naman sa 7/11, walang problema." Nabuhayan ako. Mukhang hindi pa kumbinsido si Inay kaya yumakap ako sa kaniya. "Sige na po, Inay? Please?" nag pretty eyes pa ako at ngumuso. Nang bumuntong hininga sya ay halos magdiwang ako. "Oh sya, bumalik ka kaagad ah? Wag kang lalayo, hanggang sa 7/11 ka lang dapat. I-text mo ako kapag may emergency o ano." Tumango agad ako. Nagpaalam ako sa kanila bago kinuha ang maliit kong sling bag. Nakalagay doon ang wallet ko at cellphone. Mayroon ding maliit na balisong, ang palaging baon ko sa araw-araw. For emergency purposes lamang ito. Gusto pa sana akong pasamahan sa kasambahay pero tumanggi ako. Gusto ko kasi talagang maglakad-lakad ngayon. At mas okay kung mag-isa ako. Nakasuot na ako ng ternong pajama at blouse tapos ay may cardigan pa at cap para hindi daw lamigin at mahamugan. Para sa peace of mind ni Inay ay pumayag na amo. I'm all smiling while walking. Tinitignan ko ang mga naggagandahang kabahayan sa paligid. Tila may pagandahan ng mga hardin sa lugar na ito, may mga lights pa kaya ang gaganda. Nalilibang ako sa pagtingin sa paligid. Nabubusog ang aking mata. Gusto ko sanang kuhanan ng video ang mga ito upang maipakita kay Doray kaya lang ay baka mapagkamalan pa akong masamang tao kaya wag na lang. Papalabas na ako ng gate ng may humintong kotse. Tinted ang bintana kaya di ko kita ang tao na sakay. Gayon pa man, ngumiti ako dito at nag wave. Bahala na kung sino ang nasa loob, masyado akong masaya ngayong gabi. Dumiretso agad ako sa convenience store. Nag tingin ako ng mga snacks, may ganito sa bayan na pinagtatrabahuhan ko subalit limited stocks lang ang mayroon. Kaya nahihibang ako habang tinitignan ang sandamakmak na pagkain dito. Nakakabaliw. Hindi naman ako gutom ng umalis ng bahay, but seeing these foods? Naglaway agad ako. Kumuha ako ng siopao, yung malaki agad. Hotdog yung color brown na may puti-puti, Bavarian donut at sa drinks ay tubig at yakult. Napaka mahal na talaga ng mga bilihin, itong iilang binili ko ay mahigit 160 pesos na? Pambili na ito ng ulam at bigas! Grabe! Pero pagbibigyan ko ang sarili ko, ngayon lang ito. I'm just enjoying this vacation. Mayroong upuan dito sa gilid, walang nakatambay siguro ay dahil gabi na kaya naupo ako doon. Masaya kong nagsimulang kumain. Not minding the environment, para akong may sariling mundo kaya napatalon ako sa pagkakaupo ng may magsalita bigla sa tabi ko. "Howdy!" "Ay harurut!" tinakpan ko agad ang bibig ko dahil sa salitang pinakawalan nito. Ano daw? Howdy? Sino si Howdy? Nilingon ko ang nagsalita, muntik na akong malaglag sa kinauupuan ng makita ito. This is a big man, sitting beside me sa maliit na upuan dito sa loob ng 7/11. Kumurap-kurap ako. Ang gwapo ng lalaking ito! Naka suot sya ng cap na kulay blue, medyo mahaba ang buhok niya at buhaghag, lumalabas ito sa cap niya na para bang magulo ito. Makapal ang kilay niya at ang mata ay nangungusap. Matangos ang ilong, pero mailalaban ko ang ilong ko dito na pointed din. Pero shocks, ang labi! Ang pula! Mamasa-masa! Para bang ang lambot nito at kaysarap madampian. Teka... ano daw? Tumikhim ako at ngumiti. I don't know this guy. Ako ba ang kinakausap nito? But he's looking at me, and he is smiling too! "Howdy!" muli niyang binigkas. "H-hindi po ako si Howdy." mahinang sagot ko sa kaniya. Baka kasi hinahanap pala niya si Howdy at napagkamalan niyang ako iyon. "Alessandria po ang pangalan ko, hindi Howdy." pagpapatuloy ko pa. Biglang nagliwanag ang mukha ng lalaki at saka ito humagalpak ng tawa. Halos maluha-luha ito. Pinakatitigan ko lang sya. Anong nakakatawa? May sakit ba ito sa utak? "Uhmm.." hindi ko alam ang gagawin kaya sinubo ko na lang ang hotdog dahil hawak ko na ito bago pa hinanap ng gwapong lalaki si Howdy. Natahimik naman siya bigla kaya nilingon ko sya. His eyes darkened. Also, his jaw clenched. Tinignan ko lang sya habang ngumunguya. Napatingin siya sa labi ko kaya wala sa sariling dinilaan ko iyon dahil para bang may sauce na naiwan doon. Narinig ko naman ang biglaan niyang pag-upo. Napahawak siya sa dibdib niya kaya nagpanic ako at agad kong hinablot ang water bottle sa lamesa at binuksan. Iniabot ko ito sa kaniya na agad naman niyang tinanggap. Parang may electricity na dumaloy ng magdampi ang kamay namin. His hand is bigger than mine, lalo na ang daliri na nakapalibot sa maliit na bote. Nilagok niya ito hanggang sa makalahati. Nasinok yata siya ng laway niya. Baka naman gutom na siya? Ibinaba niya ito sa lamesa at seryoso akong tinignan. Hinihingal pa sya. Kumurap-kurap ako bago ipinagpatuloy ang pagkain. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya. Baka mainggit pa at hingin pati ang hotdog na kinakain ko aba abuso siya. "You're Alessandria?" he asked kaya tumango ako. Kinuha ko ang boteng ininuman niya at saka uminom din doon. I heard him gasped. Bakit? Inaakala ba niya di ko na iinumin? Eh akin 'to. Pinainom ko lamh sya. Sa amin sa Nueva Ecija, sanay kaming nakikiinom sa bote ng may bote. Wala kaming arte, lalo na sa aming mahihirap. "You..." hindi niya maituloy ang sinasabi. Bumuntong hininga ako sa kaniya at kahit labag sa loob ko, inabot ko na lang sa kaniya ang siopao. Kunot noo niya itong tinanggap. Tinignan niya pa ang hawak. "Mukhang gutom ka, sige sayo na 'yan. Hati na lang tayo sa tubig, nagtitipid kasi ako. Ang mahal ng bilihin dito sa Maynila, ngayon lang ako gumastos ng kulang dalawang daan para sa isang miryenda. Pero hindi naman ako madamot kaya hahatian kita. Pinalaki kasi ako ni Inay sa paniniwalang 'sharing is caring' eh." I said, tinuloy ko na ang kinakain. Tulala lang sya sa akin. Mukhang speechless ang lalaki dahil sa kabaitan ko. Siguro ay hindi niya inexpect na bibigyan ko sya kaya ako na mismo ang nagtanggal ng papel sa ilalim ng siopao na hawak niya. Saka ko inilapit sa bibig niya. Wala sa sariling kinagatan niya iyon. "Langya naman itong siopao dito, unang kagat tinapay lahat." ngumuso ako habang nakatingin sa kinagatan niya. "Ang duga naman." pinaubaya ko na sa kanya ang siopao. Binuksan ko ang yakult at iyon naman ang ininom. Inisang tunggaan ko lang dahil maliit lang naman iyon. "How long you been 'round?" he has this weird accent na nakakatawang pakinggan. Pero teka... ano daw? Hindi ko gets. "A-ano po?" hinarap ko na siya since tapos na akong kumain. Sya ay nangangalahati na sa siopao niya. Umimom ako ng tubig. He 'tsk' first before rephrasing what he said earlier with "How ol' are ya?" "Ol? Anong ol? Di ka ba marunong mag tagalog?" tinignan ko ang outfit niya, naka maong siya na faded tapos white t-shirt na may denim jacket. Mukha siyang hindi taga dito, para siyang yung mga nakatira sa farm. Sumimangot siya. "Ilang taon ka na?" muntik na akong matawa sa accent niya ng mag tagalog siya. Ang cute! He's trying hard! "Uhm, bente na. Twenty," baka lang hindi niya alam ang bente kaya in-english ko na. Tumango naman siya. "You live here?" sinubo niya na yung siopao ng isahan at nginuya ito. "Nope. Vacation only. Sa Nueva Ecija talaga kami nakatira." balewala kong turan. Hindi naman siguro masamang makipag usap dito? Siya lang naman at ako ang tao dito sa loob ng store maliban sa isang cashier at isang guard. "Nueva Ecija? Where is that?" "Uhm... province. Sa mabundok na area kami, yung palaging binibisita ng mga turista." Tumango sya. "How long will you stay here in Manila?" ang cute talaga ng accent niya. Para bang yung sa ibang bansa.Yung pang cowboy. "One week lang, babalik din agad kami sa province pagkatapos. Doon kasi kami nakatira at binisita lang namin ang pamilya ni Inay." Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa kaniya. Mukha naman siyang mabait, kaso pilyo. Sabagay, wala namang perpektong tao sa mundo. "Sino nga pala si Howdy? Bakit napagkamalan mo akong siya?" ipinatong ko ang baba sa kamay kong nakapatong sa lamesa. Natawa siya. "It means Hello in Texas. It's where I came from that's why I have this southern accent." sagot niya, pilit ginagawa ang American accent kaso hindi niya magawa. "Oh!" natawa ako "Akala ko pangalan yun. Pagbati pala! Howdy too!" ginaya ko pa ang tono niya na ikinatawa niya. "So.. why are you here alone in the middle of the night?" ginaya niya ako, dumukhang din siya at sinapo ng kamay ang baba niya. He looks cute and naughty. Umiwas ako ng tingin dahil parang may kung anong nagwawala sa tiyan ko. "A-ano.. gusto ko kasing mag midnight snack dito. Maglakad-lakad. Kaya nandito ako. Ikaw? Why are you here?"ibinalik ko ang tanong sa kaniya. He smiled. "I want to see someone." simple niyang sagot pero parang may nagwala na agad na paru-paro sa tiyan ko. Shocks! What's happening to me? RHEASEA💜
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD