Required ba talaga sa isang relasyon ang pakikipagtalik kahit hindi pa naman kasal ang magkarelasyon? Iyan ang isang bagay na bumabagabag sa aking kalooban. Ang sabi ni Doray, normal na daw ito sa panahon ngayon. Nasa modernong pamumuhay na daw tayo at hindi na uso ang pagiging Maria Clara. "Nawala ang virginity ko noong nineteenth ako. Sa first boyfriend kong manloloko napunta, masakit sa una pero kapag nanaig na ang pleasure ay mawawala na ang sakit." that's what she said. Hindi naman ako totally innocent. Dahil nung nag-aaral pa ako nung college ay usap-usapan din ang topic na s*x ng mga classmates ko. Mayroon silang karanasan at madalas ay pinag-uusapan nila iyon kaya kahit ayoko ay naririnig ko. "Gaano kasakit? Parang kapag nahihiwa ba ng kutsilyo ang daliri?" madalas kasi akong

