It was hard. Life is very hard when you are alone in a place where you don't have any relatives. Sobrang hirap mamuhay ng mag-isa. Kahit sabihin na nating may mga tao sa paligid na handang tumulong sa'yo, iba pa rin kapag kasama mo ang pamilya mo. Lalo na sa tulad kong nasanay na kasama ang pamilya ko. Na kasama ko sya.... kahit ginago niya lang ako. Sa unang buwan ko sa lugar na ito ay madali akong nakapag adjust. Nasanay agad ako dahil may mga taong mababait na tumutulong sa akin. Sa tulong ni Levi, nakabili ako ng e-bike para aking gagamitin kapag kailangan kong bumili ng groceries o kaya naman kapag pupunta ako sa ospital sa kabilang bayan. Marunong akong mag drive at may lisensya ako kaya panatag ako. Extra careful na lang dahil buntis ako. Also, nagsusuot pala ako ng pang manang n

