Kabado akong hinihila ang isang maleta gamit ang kaliwang kamay ko habang buhat ko sa kanan ang natutulog kong anak. Mabigat, mahirap at masakit sa katawan. Pero lahat ay gagawin ng isang ina para sa anak niya, hindi ba? Kadarating lang namin sa Airport at ramdam na ramdam ko na ang kaba at pagod. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nila kapag nakita ako ulit, after almost six years, plus their granddaughter na hindi nila alam na nag-e-exist. I actually don't know kung ano ang dapat sakyan, wala akong sariling kotse dito sa lugar namin at ayokong magpasundo sa magulang ko. Yes, I provided them a vehicle na magagamit nila sa araw-araw pero ayokong bumyahe pa sila ng ilang oras para puntahan kami. We rode a taxi kahit napakamahal ng singil nito na napag-usapan namin. Minsan lang

