Stormie's Pov
I heaved a sigh as I enter the luxurious building of Empire Corporation who screams nothing but elegance.
"Ms. Storm, what can I do for you?" Magiliw na tanong ng isang babaeng naka-corporate attire na sumalubong sa'kin matapos kong makapasok sa loob ng building.
Saglit kong iginala ang aking paningin sa paligid at mahigpit na napahawak sa gold chain ng aking prada bag bago muling tumingin sakanya at nagpakawala ng matamis na ngiti. "Nand'yan ba si Aerom? I m-mean si Mr. Dela Vin?" I asked and forced a smile once more.
"Titingnan ko lang po, Ma'am and please do make yourself comfortable as I'll call Mr. Dela Vin's personal secretary" she mutter and the leave afterwards.
Muling namutawi ang lungkot at pag-alala sa 'king mukha ng icheck ko ang aking phone at wala pa ring reply si Sancho sa mga messages ko sakanya. Isang linggo na mahigit ang nakalipas simula ng umuwi s'ya sa Cebu at pagkatapos ng araw na 'yon ay mas lumala pa ang mga nangyayari sa pamilya n'ya.
Dahil sa pagkakaaresto ni Tito Gilbert ay hindi inaasahang inatake sa puso ang mommy nila dahil sa mga naka-freeze na bank account's at asset ng pamilya n'ya hirap s'ya ngayong ipagamot si Tita Amanda. Naawa na 'ko sakanya alam kong masyado na s'yang nahihirapan.
How I wish this decision of mine could help him a lot thou I know he'll hate me for doing this once he find out, sa pamamagitan ni Ate Kath napaidala ko na sakanila ang natitirang laman ng bank account ko pero hindi pa rin 'yon sapat para sa operasyon, at gamot ni tita.
Sana maintindihan n'ya.
"Ms. Aragon" I snap back into reality as I saw the woman wearing a corporate attire earlier waved her hand in front of my face. Siguro ay kanina pa 'ko nakatulala dahil sa lalim ng iniisip ko at hindi ko na napansin na nandyan na pala s'ya.
Dumiretso na lang po kayo sa 30th floor hindi naman kayo maliligaw doon dahil conference room at ang CEO's office lang ang nasa floor na 'yon. Kapag nakalabas na kayo ng elevator sasalubungin kayo ni Bianca 'yong secretary ni Mr. Dela Vin" ani n'ya at iginaya ako sa direksyon ng nakabukas na pinto ng elevator.
"T-thank you." I murmured then enter inside the elevator. Mahigit labing limang taon na rin ang lumipas simula nang makaramdam ako ng ganitong klaseng kaba at panginginig ng tuhod, 'yong panahong nagoaudition pa lang ako at nagsisimula bilang isang modelo.
Inhale, exhale.
Ilang beses ko ring ginawa ang bagay na 'yon bago ako tuluyang lumabas sa nakabukas ng pinto ng elevator at gaya nga nang sinabi noong babae kanina tanging dalawang pinto lang ang sumalubong sa 'kin ang isa ay may mesang nakalagay sa kaliwang bahagi at ang isa naman ay wala.
So nasaan ang CEO's office at nasaan 'yong Bianca na sinabi nung babae kanina sakto sa pagkakatanong ko noon ay ang paglabas ng isang babaeng nakasuot rin ng corporate attire mula sa double door sa kaliwang bahagi at inilapag sa mesa n'ya ang ilang folder at sinimulan nang inspeksyonin 'yon.
"Ms. Storm" ani n'ya at kaagad na inilapag sa mesa ang bulto ng iba't ibang folder na kanina lang ay abala n'yang tinitingnan isa-isa. "Good morning, is he there? Mr. Dela Vin, I mean" I utter and hold a grip on the hem of my long sleeve.
"Nasa loob po s'ya, pasok na lang kayo" magiliw na sambit n'ya atsaka lumapit muli sa pintuan na nilabasan n'ya kanina.
"A-aerom, M-mr. Dela Vin, I mean" mariin akong napapikit dahil sa pagkakautal masyado talaga akong kinakabahan sa mga oras na'to. Kaagad na nag-angat ng tingin si Aerom sa 'kin kasabay ng pag-ismid n'ya at komportableng pagsandal n'ya sakanyang swivel chair.
Sa mga sandaling 'to sinasampal sa 'kin ang katotohanan kung gaano kalayo ang agwat ng antas ng pamumuhay namin kahit na sabihin nating may karangyaan na akong natatamasa.
Chandelier pa lang ng opisina n'ya'y tatapatan na ata ang koleksyon ko ng mga bag at sapatos.
"Why are you stuttering? Are you nervous? Where is that courageous Storm I met before?" Seryosong tanong n'ya habang pinaiikot sa kamay n'ya ang isang parker pen. "Bago mo 'ko tanungin ng kung ano-ano, pwede ba na paupuin mo muna ako? Nangangawit na ang mga binti ko at masakit na ang paa ko dahil sa stilettos na suot ko" I retorted that made him chuckle as he motion a leather chair right infront of his working table. "That's what I'm talking about, make yourself comfortable, Stormie" the school of acting finally paid off as I keep my cool facade while taking step closer to the seat he offer, closer to him.
"Girl, girls, girls. I really don't know why you do love tormenting yourself wearing such a thing" komento n'ya habang matamang nakatingin sa 'king takot. "Mr. Dela Vin" his brow automaticay arched as I start talking but that didn't stop me from doing so.
Mapait s'yang natawa atsaka n'ya inilapag sa ibabaw ng mesa ang parker pen. Pagkatapos non ay pinagsiklop n'ya ang kanyang mga kamay at seryosong humarap sa 'kin. "Mr. Dela Vin? That sounds new are you about to propose a deal with me because you sound exactly like one of the businessman who would beg on their news just so that I would spare some of my precious time to listen to their non-sense proposal." He blurted.
Was he always like this? I mean he really do sound arrogant and intimadating just like how I met him two years ago. Ibang-iba ang lalaking kaharap ko ngayon sa lalaking naka-usap at nakasama ko sa Palawan.
"I don't know if its a deal. Papayag na 'kong magpakasal sa'yo ipangako mo lang sa'kin na tutulungan mo si Sancho na malinis ulit nila ang panagalan ng tatay n'ya at baka pwedeng tulungan mo na ring maoperahan si Tita Amanda, yong mommy n'ya." Hindi ko alam kung may nasabi ba 'kong hindi maganda sakanya at bigla na lamang sumama ang timpla ng mukha n'ya.
Is he mad? I don't know.
"Nandito ka para pumayag na pakasalan ako kapalit non ay ang pagtulong ko sa pamilya ng walang silbi at talunang lalaking mahal mo?" Natameme na lang ako dahil sa naging tanong n'ya. Nagmamalfunction ang utak ko at hindi non magawang makapagcompose ng maayos na isasagot ko sa pang-insultong tanong n'ya.
"You'll be marrying me because of my power and money and not because you love me?" He ask once more. "Of course its not love, but its not about your power and money also. Humihingi lang ako ng tulong at ikaw na lang ang malalapitan ko or maybe not" pabulong na sagot ko atsaka muling tumungo.
Ubos at said na talaga ang balde-baldeng self-confidence na meron ako rati.
"I'm sorry I should have not dared to this" ani ko at tumayo para sana umalis ng kanyang opisina ng muli s'yang magsalita. "Kapang ikinasal ka sa 'kin, natulungan ko si Sancho at ang pamilya n'ya, ano ng mangyayari pagkatapos?" Unti-unti akong humarap sakanya at nagkibit balikat.
"I don't know, maybe we'll just figure it out" I replied and immediaty look away as I can't take the intensity of his stare.
"I'll take your proposal, Stormie, but I want you to cut each and every connection you and that good for nothing asshole have" hindi ko na nagawa pang makapagsalita at tumango na lamang ako bilang pagpayag.
Sancho needs his family more than he needs me so I'll assume that I'm doing the right decision.
Gumuhit ang ngiti sakanyang labi kasabay nang pagkuha n'ya sa kanyang telepono na sa bulsa ng suot n'yang slacks at nagsimulang tumipa roon. Ilang saglit pa ay itinapat n'ya 'yon sakanyang tenga habang masuyo pa ring nakatingin sa 'kin.
"Luhence, I need you to do something for me. I want you to take Edward Ybanez's case. Gawin mo ang lahat para maipanalo 'yon at mapakawalan ang matandang hukluban" he pause for a moment as if he's been listening thoroughly to that someone named Luhence. "I'll send the digits to your bank account later." He mutter then ended the call.
Nakapako lang ang tingin ko sakanya ng may pindutin s'ya sa intercom at ilang segundo lang ay pumasok na si Bianca sa loob ng opisina. "Tawagan mo ang ospital kung saan naka-confine si Amanda Ybanez sabihin mo sa kanila na dadalhin s'ya sa ibang bansa para doon na maipagamot at kung magtanong ang pamilya n'ya kung kanino nangaling ang tulong kayo na ang bahala sa bagay na 'yon wag n'yo lang ipapaalam sa kanila may kinalaman ako rito" utos n'yang mabilis na tinanguan ng kanyang sekretarya at kapag kwan ay umalis na rin.
"Let's go" ani n'ya atsaka isinuot ang kulay abong coat. "Saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ko.
"My mother who happened to become your future mother in law will be home from Russia one and half hour from now, will be picking her up at the airport its time for her to meet her daughter in law"