Chapter 1

1396 Words
Stormie's Pov   "Ms. Stormie ano hong masasabi n'yo kaugnay sa mga issue at iba't ibang artikulo na lumalabas na kayo raw ay kabit ni Mr. Cruz na s'ya ring C.E.O ng Bell Ame Modelling Agency kung saan kayo nagtatrabaho?" Pilit na hinawi nina Sancho at ng iilang security personal ng airport ang bulto ng mga paparazzi na naghihintay para lang maitanong ang bagay na 'yon sa 'kin.     Nanatili kaming tahimik at pilit na naglalakad palabas ng paliparan sa kabila ng pagsusumiksik ng mga ito sa 'min.     Lahat nang nakakita ay napasinghap sa gulat ng tumama sa 'kin ang isang piraso ng hinog na kamatis. That's the last string of my patience! hindi ko na kayang manahimik na lang at isipin ng mga tao na totoo nga ang ibinibintang sa 'kin. I had enough.     Nagpupuyos sa galit na hinubad ko ang sunglasses na aking suot at hinarap ang nagngingit din sa galit na anak ng demonyito Arthur Cruz na'to. Nakakabwisit na ako na nga ang nagrabyado ako pa ang lumalabas na masama at home wrecker.     "Malandi ka! hindi pa ba sapat sa'yo kung nasaan ka man ngayon dahil sa pamilya ko at gusto mo pa talagang agawin ang daddy ko. You b***h I'm gonna f*****g kill you." sigaw n'ya at kaagad akong sinugod masyado s'yang maliksing kumilos at hindi ko alam kung paano n'ya nalusutan ang pesteng security personel ng NAIA at nagawa n'yang hilahin ang hibla ng buhok ko.   Fuck my image! Kahit na masira na ang career na pinaghirapan ko makalbo at mapatay ko lang rin ang haliparot na 'to punyeta s'ya.   Gamit ang dalawang libre kong kamay buong lakas kong hinila ang mahaba n'yang buhok at itinulak s'ya pasubsob sa sahig bago s'ya pinaulanan ng sampal. Ano bang akala n'ya na s'ya lang ang marunong makipag-away.   "Hayop ka talaga! Sisiguraduhin ko na masisira ko ang career mong malandi ka! you can't get away from me." galit na galit na sigaw n'ya ng maawat na kami ng mga security guard at pilit na pinaglalayo dahil gustong-gusto n'ya pa ring sumugod sa kabila ng mga galos na natanggap n'ya mula sa 'kin.   "Is that a threat? Bring it on, Daphne! hindi ako natatakot sa inyo." her lips pursed as I rolled my eyes and her walk away as if nothing happened. "Storm, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" nag-aalang tanong ni Sancho ng sa wakas ay nakasakay na kami sa Van na kanina pa sa 'ming naghihintay.   Tinabig ko ang kamay ni Sanchong nakahawak sa 'king pisnge at maingat 'yong binubusisi. "Okay lang ako." Umayos s'ya ng upo at senenyasan na ang driver na magmaneho ngunit ang mga mata n'ya'y nakatutok pa rin sa 'kin.   Nakakairita na. "What?" Pagalit na tanong ko habang kinakapa ang parte ng ulo kong medyo sumakit dahil sa pananabunot ng bruha na 'yon sa 'kin. Bwisit talaga. "You are a top model Stormie Gabriel Aragon, for the sake of your career never do that again. Alam mo namang sobrang mahalaga ng mukha mong 'yan sa trabaho mo paano na lang kung nasugatan ka?" panenermon n'ya na sinubukan ko na lang baliwalain sa pamamagitan nang pagpikit at pagpapanggap na matutulog ako.   Hindi ko makita ang point n'ya, oo nga't hindi ako guilty sa mga issue na kinakasangkutan ko dahil hindi naman talaga ako kabit ni Arthur pero sigurado ako na mahihirapan na 'kong makakuha ng mga gig lalo na't usap-usapan ang mga punyetang chismis na 'yon.   Walang taong may matinong pag-iisip ang kukuha ng isang modelong katulad ko na may bad publicity para magmodel para sa kanila kahit na inosente pa ang taong 'yon sa lahat ng ibinibintang sakanya. Well what can I do? The industry works like this.   Hindi ko lang matanggap na ang isang dekada ng paghihirap at pagsasakripisyo ko para sa pangalang binuo ko sa field na'to ay nadungisan ng ganon-ganon na lang.   Sancho's phone rang bahagya kong iminulat ang aking mata para tingnan kung sasagutin n'ya ba 'yon at ganoon na lang ang pagbalandra ng galit sa kanyang mukha matapos n'yang masagot ang nasabing tawag.   "Who is that? Mga paparazzi na naman ba?" kaswal na tanong ko habang binubuksan ang twitter account kong bumabahaba sa mga hate tweets ang comment.   "Ang ganda n'ya naman at bata pa kaya sigurado akong maraming magkakandarapa sakanyang lalaki bakit kailangan n'ya pang kumabit?"   "Social climber kasi hindi na nakuntento sa mga tinatamasa n'ya ginusto pang maging kabit ng C.E.O"   "Idol na idol ko pa naman s'ya mayroon ako lahat ng issue ng mga magazine na pinagmodelan n'ya 'yon pala ganyan s'ya kirida"     Ilan lamang yan sa marami pang masasakit na salitang nabasa ko habang hinihintay na magsalita ang pa-thrill na si Sancho. "Hindi mo pa rin dineactivate 'yang mga social media account mo? Di ba sinabihan na kita kailan ka ba talaga makikinig sa 'kin?" Iritableng tanong n'ya at kapag kwan ay inagaw sa 'kin ang cellphone para s'ya na mismo ang magdeactivate ng mga account ko.     "Alam mong wala akong kasalanan, Sancho, kaya bakit ako ang iiwas at magtatago na parang guilty? Hindi ko naman deserve to kasi wala naman akong ginagawang masama si Arthur pa nga ang may malaking kasalanan sa 'kin e." Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa 'king mata dala na rin siguro ng labis na galit at pagkainis dahil sa mga nangyayari.   "Alam ko Storm, hindi ko naman sinabi na magtago ka gusto ko lang na iiwas ka sa mga bagay na pwede pang makapanakit ng labis sa'yo. Hindi mo deserve na masabihan at mabasa ang mga 'yon" he mutter as he put some strand of my hair at the back of my ears and smile weakly at me.       "Kahit naman ideactivate ko ang account ko maririnig ko pa rin 'yong mga 'yon kung hindi mo nalalaman binabalita rin 'yon at pinag-uusapan sa radyo s**t sila" pabulong ko bago tumingin sa bintana ng kotse ng mapansin na malapit na kami sa condo unit na 'king tinitirhan.     Buti na lang talaga at hindi ganoon karami ang mga reporter at paparazzi na naghihintay rito hindi katulad sa Airport. "Yong tumawag pala kanina si Ma'am Camille 'yon, tinerminate na daw ang kontrata" I heaved a sighed and smile sarcastically. Nabunutan na 'ko  ng tinik sa lalamunan.     "Buti naman pakisabi sa kanila maraming salamat ha at padalhan mo na rin sila ng tokens of gratitude punyetang mga 'yon!" Mariin akong napapikit at minasahe ang aking sintudo. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga bagay na 'to.     "Nakalimutan mo na atang sa agency din nakapangalan 'yong condo na tinutuluyan mo sa t'wing nandito ka sa Pilipinas. Hindi kana rin pwedeng umuwi doon" sigurado ako na may kasunod pa ang mga kagaguhan na 'to. Hindi pa ito ang first wave at kailangan ko 'yong paghandaan letche talaga.   Pare-pareho kaming natigilan ng tumunog ang telepono ng driver na mabilis n'yang sinagot at makalipas ang ilang segundo ay itinabi n'ya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Gido, bakit ka tumigil? Naubusan ka ba ng gasolina?" Malungkot na nilingon n'ya kami ni Sancho atsaka umilig. "Tumawag si Ma'am Camille pinapabalik na 'ko sa Agency pati na rin 'yong kotse" sunod-sund na kumawala ang mura sa bunganga ni Sancho nang bumaba si Gido at isa-isang ibinaba ang mga maleta ko sa gilid ng kalsada.   "Seryoso ka ba talaga? Hindi ba pwedeng ihatid mo na lang muna kami ni Storm sa malapit na hotel? Iiwan mo talaga kami sa gilid ng C5?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.   "Sumusunod lang ako sa utos, Sir, pasensya na ayoko po kasing mawalan ng trabaho" sambit n'ya nang matapos s'ya sa pagbaba ng mga maleta ko at hinihintay na lang ang aming pagbaba. "Sorry po"   "This is bullshit! They can't treat you like this, nakalimutan na ba nilang ikaw ang pangunahing model na nagpapasok ng limpak-limpak na pera sakanila kaya naging ganyab kasikat at kapresrihiyoso ang Bell Ame" walang tigil na panunumbat ni Sancho sa mga taong hindi naman s'ya naririnig at wala na ngang pakialam sa sinasabi n'ya habang pumapara kami ng taxi.   "Forget it, mag-check in na lang muna tayo sa hotel tas maghanap ka ng condo kapag nakapagpahinga ka na rin." Utos ko sakanya ng maibaba na kami ng sinakyang taxi sa harap ng isang hotel dito sa BGC.   "Okay, may kaibigan naman ako na nasa real estate hindi na 'ko mahihirapang maghanap ng matutuliyan mo" ani n'ya bago kami naglakad papunta sa receptionist ng hotel.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD