Kantot Kalimot. Iyon ang gustong itawag ni Gale sa nangyari sa kanila ni Sean.Kung babalikan niya ang love story nila,karamihan sa eksena ay umikot lang sa ibabaw ng kama.Bukod sa panloloko nito sa kanya,puro s*x nalang ang matatagpuan sa alaala niya. At ang hinayupak at walang kuwentang ama ng anak niya ay talaga namang walang kuwenta.Sinabihan niya itong huwag ng magpakita sa kanya hanggang mamatay na ginawa naman nito.Tatlong buwan na siyang walang contact kay Sean at talagang kinalimutan na sila ng hayop na lalaking iyon. At naiinis siya sa kakasilip sa labas dahil tila nang aasar ang mundo at lahat ng nakikita niya masaya.May dalang teddy bear at bulaklak at parang tangang tumatawa mag isa.Mga lalaking may pasorprise na rosas at naghahalikan sa gilid ng kalsada na nakaharap sa kani

