Nakangiti si Gale habang itinutulak ang wheelchair ni Daddy Jose sa park. Kasalukuyang ginaganap ngayon ang opening ng pamusong Lantern festival sa lugar nila at siyempre siya na ang ang nafirst move para makapagdate sila ng kasintahan. Nahihiya man sumama ang lalaki sa pamimilit niya. Ginanap ang festival sa isang open field hindi kalayuan sa boarding house nila. Iisipin ninuman na mag ama sila o maglolo. Nakasuot ng simpleng kamiseta si Jose at malaking cowboy hut. Siya naman blooming sa cotton white dress na suot. Hinayaan niyang nakalugay ang medyo wavy na buhok. May ilan siyang kaklase na nakita doon at tinatanong ng mga ito kung tatay daw ba niya ang kasama niya. Wala siyang nagawa kung hindi tumango nalang. Natatakot siya na baka maoofend si Jose pero mukang wala lang naman dit

