Claire's POV Sige sabihin na natin nagkataon lang ang lahat dahil narinig ng baby ko ang pag-iyak ng batang babae na tinatawag ang daddy niya kaya siguro nabigkas niya ang salitang daddy ng walang kahirap-hirap pero ang hindi ko talaga maintindihan ay kung bakit bigla bigla na lamang sumulpot dito si Zander. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Ang ulit na tanong ko sa kanya. "I'm working." Ang agad na sagot naman niya sa akin na para bang hindi ko mapaniwalaan, dahil ewan basta ang pakiramdam ko ay something wrong is going on here. "And well, kailangan na namin umuwi." Ang sabi ko pero bigla namang lumapit sa amin si Teacher Marian. "Mommy Claire, punta na po tayo du'n, picturan lang po natin ang mga kids bago umuwi, sige na po mommy." Ang magalang na yaya nito sa akin kaya wala ako'ng nagawa

