It is really true that you cannot keep a secret forever. Wala talang sekreto na hindi nabubunyag. Matapos makatanggap ng pinong kurot sa tagiliran ay na hot seat silang pareho ni Nanay Lyn. “Sagutin mo ako, Damien! Kelan pa nagsimula ang relasyon niyong dalawa?” Tanging si Damien lamang ang tinatanong ng matanda marahil dahil sa ito ang apo niya. “Mag-two months palang Nay.” Napapakamot sa ulo na sabi nito. Hindi na rin naman nila maitatanggi ang kanilang relasyon dahil nahuli na sila – caught in the act pa kamo. “Dalawang buwan na pero hindi niyo pa ipinapaalam sa amin? Napaka-maloko mo talagang bata ka. Kaya siguro pumipirme kana rito sa bahay dahil kay Queen. Ano binabantayan mong maige at baka mauntog at hiwalayan ka?” Patuloy na pagsasalita ng matanda sa kanyang apo. Bahagyang n

