"It has been five days, Royce. Saang lupalop ba nakatago iyang kapatid mo?!" angil agad ni Crystal kay Royce. Hindi na siya mapakali at hindi na rin makatulog kakahanap kay Serenity. Tingin niya nga ay siya lang ang nag-aalala lalo. "Tss. Bakit ka pa ba kinakabahan diyan? Kasama naman niya ang tatay niya," pasaring ng Ate niya bago kumapit kay Royce. Matalim niya itong tiningnan. Hindi man lang ba nito naisip ang posibilidad na pupwedeng mapahamak si Serenity? "I will ask my father. Siguradong alam niya kung nasaan si Kuya—" "Or much better, ask the policeman. Hanapin niyo ang record niya sa polisya. Baka naroon ang recent address niya? Pinoproblema niyo ang bagay na hindi naman problema," muling singit ng Ate niya. Nagtagis ang mga ngipin niya. Sa inis niya ay nahila niya ang buhok

