Agad na gumuhit ang ngisi sa kanyang labi matapos nilang makarating sa mansyon ng mga Consunji. Ang pangarap niyang tumira dito noon pa ay mangyayari na. "My father is waiting. Nagpahanda siya ng dinner." Agad niyang inangkla ang braso sa braso nito at matamis na ngumiti. "Sure, Love." Kumunot ang noo nito at bahagyang napatitig sa kanya. Malamang ay nanibago ito sa tawag niya. Wala naman siyang pakialam, mas gusto niyang ipakitang nagmamahalan sila upang hindi magbago ang isip ni Don Ronnel. "Daddy, are we going to live here?" "No—" "Yes, Dear. Dito na tayo titira kasama ng Lolo mo," agad niyang putol. Ramdam niya ang matiim na titig ni Raphael. Alam niyang pinangunahan niya ang desisyon nito pero wala naman din itong bahay sa Manila na pwede nilang tirhan. "Does Amethyst live he

