Hindi alam ni Crystal kung paanong mag-u-umpisa sa banyagang lugar na iyon. Walang kahit sino sa tabi niya, ayaw niya ring tumawag sa mga magulang, hindi rin naman kasi tumawag ang Mommy niya para kamustahin kung nakarating siya ng ligtas. Pakiramdam niya ay inabandona na siya. Mabuti nga at hindi siya sa lansangan napadpad kaya lang sobrang lungkot ng bahay lalo pa't siya lang mag-isa. Gusto niyang magsimula muli, maghanap ng trabaho dahil duda siya kung padadalhan ba siya ng pera. Tahimik siyang nag-scroll sa cellphone para sana humanap ng online job ngunit iba ang nahanap niya. Latest news iyon sa doon—interview sa pamilya niya. Ngiting-ngiti sa camera ang Mommy niya habang seryoso lang ang Daddy niya. "Himala po at bumalik kayo sa kumpanya? Senyales po ba ito na totoo ang balita na

