Abo't-abot ang kaba niya habang nakatitig sa lalaking nagmamaneho. Yakap niya rin si Serenity. Ewan ba niya pero ang sama ng pakiramdam niya sa lalaki. Kahawig ito ni Royce base suot na kupya. Napahiya pa siya kanina noong tawagin itong Royce. "Sa harap na lang ng building-" Natameme siya at bahagyang nanlaki ang mga mata noong idiretso nito ang taxi sa parking space sa basement. "Uy! Hindi pwede ang taxi dito!" sita niya rito ngunit hindi ito nakinig, nagmaneho lang ito na para bang pag-aari nito ang building na iyon. Napapikit siya nang mariin at gustong magmura kung hindi lang nakatingin si Serenity. Malayo pa lang sa guard na nagbabantay sa parkingan ay hiyang-hiya na siya. Hinanda na niya ang sarili na masermunan sa pagpapapasok ng taxi. "May driver license ka? Kapag ikaw pinakul

