Muli niyang tinulak si Royce. Kita niyang nangunot lang ang noo nito at mukhang hindi takot kahit na mahuli sila ng Ate niya. Hindi takot pero ayaw namang aminin sa iba ang relasyon nila? "Babalikan na lang kita. Kausapin ko lang ang... asawa mo." Kumibot ang labi nito at binagsak ang katawan sa kama. "Make it fast," utos nito. Inayos niya ang suot na dress bago tinungo ang pinto. Maliit niya lang na binuksan iyon, baka kasi makita nito si Royce. Kinakabahan pa siya lalo pa't dis-oras na ng gabi at gusto siya nitong kausapin. Ano naman ang pag-uusapan nila? Huwag mong sabihing kokomprotahin siya nito dahil pinuntahan siya ni Royce sa bar? "Ano iyon—" Natigilan siya matapos makita ang tahimik nitong pagluha. Napakurap siya at naisara ang pinto. "Crystal, nag-away kami ng Kuya Royce m

