"Should I, Baby?" hinging permiso nito sa kanya. Bumikig ang lalamunan niya. Alam niyang emergency iyon pero parang hindi niya kayang magkasama sa loob ng sasakyan ang Ate niya at asawa. "Mag-iisip ka pa habang nagdedeliryo na ang anak ko?!" malakas na singhal ng Ate niya. Sinamaan niya ito ng tingin, "Oo na. Pero sasama ako." Umirap ito sa kanya at nauna pang lumabas. Sumunod si Raphael habang siya ay hinabilin sa ama niya si Serenity. Agad siyang lumabas at hindi pinansin ang Mama niya na masama ang tingin sa kanya. Nasa loob na ng sasakyan ang ate niya, kalong nito ang anak. Pinagbuksan siya ni Raphael at mabilis na umikot sa driver seat. "Pinainom mo na ba ng gamot si Amethyst?" pang-uusisa niya. "Malamang," pabalang na sagot nito. Naglapat ang mga labi niya. Sasagot pa sana ku

