CRYSTAL'S POV "I can't believe you, Raphael," mahinang sambit niya. Binitiwan nito ang siko niya. Umigting ang panga nito at malamig na tumitig sa kanya. "Ipa-DNA natin pagkapanganak mo," walang emosyong deklara nito na nagpabagsak sa mga luha niya. Nanlabo ang paningin niya dahil sa masaganang luha. Basta lang din siya nitong tinalikuran at iniwan sa kusina. Sumubsob siya sa mesa at humagulhol. Buong gabi siya roon at ang akala niya nga ay sa mesa siya nakatulog ngunit hindi, nalingat siyang nasa kama. Ramdam na rin niya ang init ng paligid senyales na mataas na ang sikat ng araw. Nanghihina siyang bumangon, sakto sa pagbukas ng pinto. Niluwa noon si Yaya Lilit na may dalang tray ng pagkain. "Bago na 'to. Tanghali na. Ibababa ko na rin ang nilagay kong almusal diyan at sobrang lami

