Masakit sa kanyang matawag siyang baliw kahit hindi. Hindi siya makaisip ng paraan para patunayan ang sinasabi niya, idagdag pang ilang araw na siyang hindi dinalaw ni Royce. Mukhang wala na siyang halaga sa lalaki ngayong buntis na ang ate nitya. Tahimik siyang lumuha habang haplos ang impis niyang tiyan. Mas naaawa siya sa baby niya kumpara sa sarili niya. Paano na lang kapag lumabas na sa mundo ang anak niya at wala siyang mapakilalang ama? Pumikit siya nang mariin kasabay ng masaganang luha. Masyado siyang nagpaniwala kay Royce, masyado siyang nagpadala sa bugso ng damdamin niya at sa init. Hindi naman siya bulag at alam niyang malabo siyang piliin ni Royce pero pinipilit niya ang sarili para lang makuha ang gusto niya, pero ano? Iba ang nakuha niya, ang masakit, mag-isa lang siyang

