Sukdulan ang selos na naramdaman niya sa desisyon nito. Nangagalaiti siya sa inis ngunit wala siyang magawa. Alam niya ring malabo ng maayos pa ang relasyon nila kaya't patay malisya na lang siya sa mga lakad nito. Hindi na rin siya nag-aabala pang maghintay sa gabi. Si Serenity na lang din ang pokus niya. Pinaghahanda niya ito ng baon kahit pa ayaw nitong lumapit sa kanya. Marahas na buntong hininga ni Yaya Lilit ang narinig niya habang nasa kusina siya at ginagawan ng sandwhich si Serenity. "Kahit galit ako sa ginawa mo, ayoko naman na magkaaway kayo ni Raphael. Kawawa si Serenity. Kailangan din ni Serenity ng masayang pamilya," biglaang litanya nito. Tumigil siya sa paglalagay ng cheese. Hindi niya liningon ang Ginang. Nahihiya siya rito. Alam niyang kasalanan niya ang lahat. "G-ust

