"Hija, sigurado ka na ba rito? Ako ang kinakabahan sa'yo," hindi mapigilang bulalas ni Yaya Lilit noong makarating na sila sa bansa. Buhat nito si Serenity na mahimbing ang tulog. Sinalubong sila ng init paglabas sa Airport pero mas mainit ang galit na nararamdaman niya ngayon. Hindi siya papayag na walang mapunta ni pisong kusing sa anak niya! "Nay, kung kinakabahan ka, kaya na namin ni Serenity 'to. Isa pa, bukas pa lang ako pupunta roon, sakto sa birthday ni... mommy." Umangat ang gilid ng labi niya. Sinadya niya talaga na marami ang tao. Hindi siya mamamahiya, gusto niya lang ipakilala sa madla ang anak niya. Hindi rin siya nahihiya kahit pa malaman ng lahat na iisa ang tatay ng anak niya at ng anak ng Ate Courtney niya. Sa dami na ng pinagdaanan niya, aatras pa ba siya? "Susmaryos

