Palaisipan pa rin sa akin ang mga pahiwatig ni Finn, sa akin. At dahil sa sinabi niya nung gabi pagkatapos ng interview namin ay iniwasan ko na siya dahil sa takot na baka may nararamdaman na siya para sa akin. Hindi naman sa assumera ako pero yun talaga ang naramdaman ko sa mga pahiwatig at mga sinabi niya sa akin. “Sandali Edna.” napa pikit ako ng maramdaman ko ang kamay ni Finn na pumugil sa akin. Napalingon naman dito sa parking lot ng condo kung saan kami nakatira at baka may makakita sa amin na dalawa. “Ano ba Finn? Pwede ba bitawan mo ako at baka may makakita sa atin.” saad ko at hinawi ang kamay niya. “No, unless kung sasabihin mo sa akin kung bakit mo ako iniiwasan. Hindi ka rin umuuwi sa condo mo sa gabi, saan ka natutulog huh?” tanong niya sa akin. Totoo naman na mula ng iwa

