"Touch down, Philippines!" masayang sigaw ni Calyx pagbaba pa lang namin ng eroplano. Napatingin ang iba sa amin. Lumapit si Kiel sa kanya at binatukan ito. "Fck, ang ingay mo! Nakakahiya ka talaga." Tumawa si Calyx habang hawak ang kanyang batok. "Syempre kakadating lang natin ng Pilipinas. Dalawang taon din kaya tayong wala dito. Nakaka-miss!" "Alam ko, na-miss mo rito. Pero huwag ka ngang mag feeling turista d’yan!" Napailing na lang ako sa bangayan ng dalawa. Kailan kaya sila magkakasundo? "Baliw talaga," tawa ni Ryan. "Baliw ka din naman, ah…" biro ko. "Sayo…" nilingon nya ako at kinindatan. Umiling na lang ako at muling tumawa sa kanyang sinabi. "Hoy, dun tayo sa condo na kinuha ni ma'am Carmi para sa atin. Dalawa yung kwarto dun. Yung isa para kay Hazel, tapos share daw tayo

