Tulog ako sa halos buong byahe namin ni Christian patungong Maynila. Ginigising lang niya ako pag kakain kami o kung magpapahinga siya saglit. Medyo malalim na ang gabi nang makarating kami sa kanila. Habang pinaparada niya ang kanyang sasakyan sa malawak nilang garahe, hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa laki ng bahay nila. Para bang kasing lawak ng lupain nila kung saan nagsasaka si tatay. Pagpasok pa lang namin, sinalubong na kami ng iilan sa mga kasambahay nila. "Sir, nandito na po pala kayo…" anang isang matanda, na sa tingin ko’y nasa animnapung taong gulang na, sabay tingin sa ‘kin. Tumango si Christian. "Opo, manang Rosie… tulog na ba sina mommy?" "Opo." Napatango ulit si Christian, pagkatapos ay bumalis niya sa ‘kin. "Manang, si Hazel nga pala. Girlfriend ko." "Magandan

