Malakas na pagtunog ng cellphone ko ang siyang nagpagising sa akin kinaumagahan. Nilingon ko si Christian na nasa tabi ko. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Dahan-dahan akong kumawala sa hawak niya. Inabot ko ang shorts ko na nasa sahig at kinuha ang cellphone ko mula rito. Humiga ulit ako sa tabi ni Christian. Inayos ko ang kumot na tumatakip sa aming katawan at sinagot na ang tawag mula kay m’aam Carmi. "Hello po," bungad ko. Mukhang naramdaman ni Christian ang paggalaw ko. Minulat niya ang kanyang mga mata. Tumingin siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Nginitian ko siya. "Hazel," aniya. "Hindi raw kayo pumunta sa gig niyo kagabi dahil wala ka." Oo nga pala! Nakalimutan ko na ‘yon dahil sa dami ng mga nangyari at nalaman ko kahapon. "Ahh… ma'am, kasi po… may ginawa ako kagabi. Pa

