Nakatulog ako dahil sa pag iisip. Nagising na lang nang may kumatok sa pintuan. Tumayo ako, naramdaman ang pagkirot ng aking ulo. Pinunasan ko ang gilid ng aking mga mata. Bumungad sa akin si Ryan pagbukas ko ng pinto. "Kanina pa ako kumakatok, akala ko napano ka na." "Medyo sumakit kasi ang ulo ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ‘ko." Lumabas ako ng kwarto. Wala pa rin si Calyx at Kiel. "Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ni Ryan sabay haplos sa noo ko. "Hindi. Mawawala rin ‘to mamaya." Tumungo ako sa veranda. Sumunod sa akin si Ryan. Nilingon ko ang araw na papalubog. Humawak ako sa railing at ipinikit ang mga mata. Bumalik na naman sa akin ang mukha niya. Ang muhka ni Christian… "Nagkita kami," sabi ko kay Ryan. Nakapikit pa rin ako at nakahawak sa railing. "Sino?" "Si

