IVAN'S P O V "Ano ba nangyari!?" nag - aalalang Tanong Ko kay Madel, S'ya kasi ang kasamahan ni Lola sa Condo Unit Namin "Nanunuod po Kami ng palabas sa T V sa Sala nang sabihin N'ya pong pupunta S'yang C R, hindi pa po nagtatagal, naka - rinig na po Ako nang kalabog sa Kusina." halatang natatakot din S'ya, mabuti na lang at alerto ito, natawagan ang Guard ng building kaya nabuhay agad si Lola para maisakay sa Ambulance ng Building, Dito na nga N'ya sinabing dalin si Lola. Nandirito Kami Ngayon sa labas ng Emergency Room. Naghihintay ng paglabas ng Doctor N'ya. Natawagan Ko na din Sila Daddy at Kanyang mga Kapatid. Ang malaking katanungan ngang umu - ukilkil sa Aking isipan ay kung ano ang karamdaman ni Lola. Wala pa naman kasi itong maintenance na gamot, paanong mawawalan ito ng malay

