LEA'S P O V " H'wag ka na nga pala kay Doc Chen magpa - check up. " utos ni Daddy habang kumakain kami ng almusal. Kaya natigilan ako sa pag - inom ng tubig at napa - tingin muna sa aking Ina na nagkibit balikat lamang nang makuha n'ya ang ibig kong itanong. Pero wala naman daw s'yang alam. " Bakit naman po, Daddy? " magalang ko namang tanong, si Doc Chen kasi ang Orthopedic Doctor sa Veterans Memorial Medical Center, kung saan kami pwedeng magpa - check up at magpa - confine. Ospital kasi iyon para sa aming nasa Military at libre kami ruon, even major operation. Kahit medyo malayo iyon dito sa amin sa Bulacan ay ruon pa rin ako nagpapa - check up at na - confine rati. Bakit ngayon ay nag - iba yata ang ihip ng hangin ng aking Ama? " Basta! Hihintayin na lang namang gumaling pa iyang

