IVAN'S P O V
"Cheers!!" sabay - sabay Naming sambit sabay taas ng Baso na may lamang Alak at pinag - pingki Namin sabay baba at inom ng laman.
"Wew! Sarap sa lalamunan! Humahagod!" saad ni Benj, Isa sa Tatlo Kong Kaibigan tsaka si Arnold at Lance nga, na S'ya ngang may Ari ng Bar na lagi Naming pinu - puntahan. Para makahanap din ng Chicks.
"Kumusta na ba mga Business N'yo?" tanong Ko sa Dalawa pa Naming Kaibigan na madalang nang maki - join sa Amin dahil sa mga problema sa Negosyo Nila. Pamilya kasi ni Benj ay may Ari ng Engineering at Construction Firm, may sumabotahe sa Isang Project Nilang Mall kaya maraming mga apektado. Sila Arnold naman ay may Airline Company, ang reklamo daw ng mga Passengers ay Late lagi ang flight.
"Ayun! Ang daming Demand, hindi Mo alam kung Sino papakinggan at uunahin." problemado pa ding tugon ni Arnold
"Sa Amin nga, nagpaka - lugi na Kami, h'wag lang umatras ang nga Investors, pero nagpalit na Kami ng mga Tauhan, mahirap na baka maulit na naman ang pag - sabotage sa Building." malungkot namang tugon ni Benj, hindi pala sinunod ng mga Construction Workers ang Palno ng Foreman kaya bumigay ang Isang panig ng Building sa pina - pagawang Mall Nila sa Mindanao.
"Kaya ayokong i - manage ang Business Namin eh, hindi Ko kaya ang pressure na ganyan." Amin Ko naman sa Kanila.
"Mga Babae lang kasi ang kaya Mong i - manage." pabirong tukso naman ni Lance, kaya umugong ang tawanan sa Table Namin.
Nandito Kami sa itaas ng Kanyang Bar, mga V I P Customer lang ang pwedeng uminom Dito. Dito din sa Floor na ito ang mga Room N'yang pwedeng i - rent, kung gusto Mong matulog muna Bago umuwi o kaya ay mag - quickie Kayo ng Bebot Mo.
"Tsaka mga Buto - buto!" dagdag pang kantyaw ni Benj, naiiling na lang Ako sa kalokohan Nila, akala Mo mga walang problemang kina - kaharap.
"Ah! Kaya pala Bro, Medicine ang kinuha Mo, para pag - aralan ang lahat ng bahagi ng Katawan ng Tao," wika naman ni Arnold, " Para alam Mo na kung Saan ang kiliti Nila at para madaling mapasayo." natatawang dugtong pa N'yang sabi, kaya nagka - tawanan na lang ulit Kami.
Kahit mga Kaibigan Ko ang mga ito ay hindi pa din Ako sanay kung Kelan Sila magiging seryoso. Hindi naman kasi Ako nakikipag - biruan nang sabihin Kong hindi Ako maalam sa pag - manage ng Business, ayun, kung Saan - saan na napunta ang usapan Namin. Basta talaga sa kalokohan hindi Sila magpapa - huli pero magagaling namang mga Negosyante.
"Ikaw ba, nakaka - ilang Babae Ka na ba sa Ospital?" tanong ni Arnold ang humupa ang tawanan Nila.
"Hindi Ko na alam!" kibit Balikat Kong tugon sabay tungga ng alak sa Baso Ko.
"Basta Bro! Hindi Kami nakalimot na pag - sabihan Ka!" seryoso namang saad ni Benj
"Hindi pa lang 'yan nakakakita ng makaka - tapat N'ya!" pananakot naman ni Lance, "Makikita N'yo mga Bro, Isang Araw magugulat na lang Tayo at ikakasal na itong Kaibigan Natin, dahil napikot!" natatawang dugtong pa N'ya, kaya iyong Dalawa at tumawa na naman.
"Hindi naman siguro mangyayari 'yon! Alam Ko naman kung Sino ang pang - seryoso at fling lang." pagtatanggol Ko naman sa Sarili Ko.
"Naks! Naiiba na din ang pag - iisip Natin, ha! Baka naman may natitipuhan Ka na sa Ospital, hindi Mo pa pinapa - kilala sa Amin." pabiro pang sambit ni Benj
"Wala 'no! Tsaka, sisiguraduhin Kong mauuna Kayong Mag - asawa kesa sa Akin." pinal Kong wika sa Kanila
"Ows! Sa likot Mo sa mga Babae!? Hindi Ako naniniwalang hindi Ikaw Aang mauuna sa Amin na lumagay sa tahimik." bulalas namang tugon ni Arnold
"Malikot nga Ako pero maingat naman!" mabilis Ko namang Sagot at idiin Ko pa ang word na 'maingat' para maintindihan Nila ang ibig Kong sabihing gumagamit Ako ng protection kapag may katalik Ako.
"Sige! sige! Sabi Mo 'yan, ha!" pagsukong tugon naman ni Lance
Hindi na Ako nakipag - talo pa at tinuloy na lang Namin ang inuman at kwentuhan na puro Kalokohan lang Namin Nuong High School ang pinag - uusapan Namin. Magkakaruon kasi Kami ng Alumni Homecoming kaya naungkat ang magagandang memories Namin Nuon sa School. Actually, Sila lang ang masaya, pero Ako ay deep inside ay malungkot. Kahit Anong Program kasi sa School ay hindi naman naka - punta ang Mommy Ko. Kapag Family Day, si Lola ang kasama ni Daddy, kaya 'yung ibang School Mates Ko ay pinag - tatawanan Ako dahil ang tanda na daw ng Mommy Ko. Marami pa Akong pangit na na - encounter sa School na kung hindi dahil sa mga Kaibigan Ko at Lola ay baka matagal na Akong nag - drop out. Kaya iyong sinasabi Nilang mas masaya ang High School Life kesa sa College ay hindi Ako naniniwala. Marami kasing bully Nuon, kaya paano Ko ma-e - enjoy? Kaya hindi Ako sure kung attend ba Ako nang sinasabi Nilang Alumni Homecoming.
"Uy! Babae na naman iyang nasa isip Mo!" untag ni Lance sa Akin, siniko pa nga Ako sa Braso Ko. May tinatanong pala S'ya pero hindi Ko naririnig, malayo na naman kasi ang tinakbo ng utak Ko.
"Hindi ah!" tanggi Ko naman agad, "Hindi Ko lang sure kung makaka - attend Ako ng Reunion Natin, may Schedule kasi Ako ng Operation that Time." sagot Ko na kahit hindi Ko naman naintindihan ang tinatanong daw Nila, ayaw naman kasi Nilang ulitin
"Oy! Ngayon lang Tayo magkakaruon ng Reunion tapos hindi Ka pa a - attend," pangungunsenya naman ni Arnold, "Tsaka 'di ba, kapag nagiging successful ay binibigyan din Nila ng award? Oh! Bro! Pagkakataon Mo na! Dahil Isa Ka sa Top Ten Outstanding Doctor of the Philippines! Woohoo!!" sigaw pa Nila at palakpak sa huling sinabi ni Arnold.
"Pag - iisipan Ko at kakausapin Ko ang Pasyente Ko kung pwedeng i re - schedule ang Operation N'ya." palusot Ko na lang para hindi na Sila mangulit pa.
"Cheers!!" sabay - sabay ulit Naming saad sabay inom ng Alak na nasa Baso, inubos lang Namin ang nasa Bote at nag - kanya - kanya na ulit Kami ng uwi.
Kaya pa naman Naming mag - drive, dahil Isang Bote lang ang inubos Namin. Tsaka may Trabaho pa Kami Bukas, hindi Ko lang matanggihan ang aya Nila Benj at Arnold na uminom kaya napunta Kami ng wala sa Oras sa Bar ni Lance. Mag - isa nga lang si Lola sa Condo Unit Namin dahil biglaan nga ang alis Ko.
Nagmamadali tuloy Akong nag - drive pauwi nang maalala Ko ang Aking Abuelang S'yang nagpalaki sa Amin ng Kapatid Kong si Bench. Hindi Ko mapapatawad ang Sarili Ko kung may mangyaring masama sa Kanya, nakalimutan Ko kasing tawagan ang Kasambahay ng Tito Ko. Siguradong malalagot din Ako sa Kanila kapag may nangyari hindi kaaya - aya kay Lola.
Halos liparin Ko na nga ang Unit Namin makarating lang Ako agad. Pero naka - hinga naman Ako nang maluwag nang makita Ko S'yang safe na nanunuod pa ng palabas na Korean Movie sa T V.
"Mano po, 'La!" abot Ko ng Kanang Kamay N'ya tsaka Ko dinala sa Aking Noo, "Pasensya na po at nakalimutan Kong papunta si Sabel Dito." hinging paumanhin Ko sabay yakap sa Kanya at Halik sa Ulo. Ganito Ako kapag naglalambing at naghahanap nang kalinga ng Isang Ina.
"Kuuh! Ano naman ang mangyayari sa Akin Dito e, puro panunuod nga lang ng mga palabas sa Internet ang ginagawa Ko!" tugon naman Nito, pero hindi Ko pinansin at humiga na lang Ako sa Sofa at umunan Ako sa Kanyang Kandungan na may Throw Pillow.
"'La!?" malambing Kong tawag pero naka - pikit Ako.
"Ano 'yon, Apo?" masuyo din Nitong wika
"Salbahe po ba Ako dati nu'ng Bata Ako?" hindi Ko maiwasang hindi S'ya tanungin, hindi Ko na kasi kayang sarilinin ang sakit ng Dibdib Ko sa ginawang pang - iiwan ng Mommy Namin.
"Aba!" alam Kong nag - isip muna S'ya kahit hindi Ako naka - tingin sa Kanya, "Hindi naman! Mabait naman Kayo ni Bench, marunong pag - sabihan at masunurin pareho." dagdag pa N'yang Sabi, " Bakit Mo naman naitanong eh, ang tagal - tagal na Nuon?" balik N'yang tanong sa Akin.
"Wala po!" mabilis Kong tugon, " Nagtataka lang po Ako kung Ano nagawa Naming Kasalanan Nila Daddy at nagawa Kaming iwanan ni Mommy." Hindi Ko na naiwasang humikbi dahil sa sinabi Ko.
"Wala Kayong Kasalanan ni Bench," mahinahon N'yang tugon, sinuklay pa ng Kanyang mga Daliri ang Buhok Ko, "Balang Araw maiintindihan Mo din ang mga Magulang Mo at h'wag Ka sanang nagtatanim ng Galit sa Kanila," payo pa ni Lola, pero hindi N'ya alam ay matagal na ang galit Ko sa Aking Ina.
"Matanda na po Kami ni Bench, alam na po Namin ang mali at tama, Bakit po ayaw pang ipagtapat ni Daddy sa Amin ang totoo?" parang Batang sumbong Ko
"Oh! Bukas ay puntahan Mo S'ya sa Opisina at tanungin Mo ang dahilan nga ng Mommy, sigurado Akong alam iyon ni Isaac, ang Daddy N'yo." payo pa N'ya, puro singhot lang ang ginawa Ko, hindi na Ako makapag - salita at siguradong mapapa - hagulgol Ako ng iyak.
Ngayon lang Ako naging emotional sa harap ni Lola, lagi Akong masaya at hindi nagpapakita ng kalungkutan sa harapan ng mga kamag - anak Namin kahit sa mga Kaibigan Ko. Epekto siguro ito nang pag - inom Namin tsaka 'yung nalaman Kong magkakaruon daw Kami ng Alumni Homecoming. Naalala Ko kasi ang lungkot Ko lagi Nuon kapag pumapasok sa School, kung pwede nga lang h'wag na Akong pumasok ay ginawa Ko na. Hindi rin naman kasi alam ng mga Kaibigan Kong may bu -mu - bully sa Akin Nuon. Nakikitawa man Ako sa harap ng mga Kaibigan Ko pero sa kalooban Ko kasi ay puro lungkot, kahit kasi Dito sa Lola Ko ay madalang Akong magsabi nang nararamdaman Ko. Ini - isip Ko kasi Nuon ay baka kapag nagsumbong Ako sa Kanya ay magalit din at iwanan din Kami ni Bench.
Kaya lahat ng pambu - bully Nila sa Akin ay hindi Ko na lang pina - pansin at wala Akong pinag - sasabihin. Ayoko nga kasing maging dahilan para lumayo Sila sa Akin. Pero mga totoong Kaibigan naman talaga Silang Tatlo, maraming beses Ko na iyong napatunayan. Iyon nga lang, hindi Sila pabor sa pagiging Babaero Ko.
Hindi Ko na namalayang dinalaw na pala Ako ng antok sa Sofa. Nagising Ako Kinabukasang parang walang nangyaring aminan sa Amin ni Lola. Wala naman kasing buma - banggit sa Aming Dalawa, nahiya din naman Akong ipa - alala pa. Ayoko ngang malaman N'ya ang mga hinanakit Ko, dala lang siguro nang nainom Kong Alak kaya Ko iyon na - ungkat sa Kanya.