LEA'S P O V " Alam ko naman na baka maaapektuhan ang treatment n'ya sa mga babae, nu'ng nangyari sa amin ng Daddy n'ya. Kaya nga laking tuwa ko, nang malaman kong nagkaruon na s'ya ng sarili n'yang pamilya. Iyon pala ay isa lamang pag - papanggap. " malungkot na saad ng byenan kong babae. Pagkatapos kong magtapat sa kanya ng tungkol sa aming mag - asawa. Ay iyon na nga ang sinabi n'ya, marami pa sana akong malaman pero pini - pigilan ko lang ang sarili kong mag - usisa talaga. Lalakasan ko na sana ang loob ko ng may marinig kaming katok sa pinto na aming kinaruroonan. Kaya ruon nabaling ang aming atensyon. Napa - buga tuloy ako ng hangin, kanina pa pala ako nagpipigil dahil nga sa gusto kong itanong sa mommy ng asawa ko. Si Vicky na ang nagbukas ng pinto dahil s'ya naman ang malapit,

