IVAN'S P O V Mabuti na lamang at safe akong nakarating sa aming tahanan na puno ng halakhakan at masasayang memories dati pero mula nang layasan kami ni Mommy ay napuno na nang iyakan at lungkot ang bahay na ito. Halata naman sa labas na malungkot ang mga nakatira dahil sa kulay ng pintura sa mga pader ng bahay. " Dumiretso ka na lamang Hijo sa kumedor at kasalukuyan nang kumakain ang pamilya mo. " naka - ngiting wika ni Manong, s'ya kasi ang nagbukas ng gate sa akin, napa - hinto muna nga kasi ako pagka - baba ko ng aking kotse sa labas ng aming maindoor. " Sige po, salamat. " kiming tugon ko naman at nauna na s'yang naglakad pero sa gilid ng aming bahay s'ya dumaan. Naka - ilang hugot muna ako nang malalim na buntong hininga. Para mawala ang sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

