LEA'S P O V Excited na akong nagbibihis, sa sobrang tuliro ko nga ay mali - mali pa ang nasusuot kong Shoes. Sa loob kasi ng dalawang linggo na L D R namin ni Ivan at ngayon pa lang kami magkikita ulit. Mabuti na lang at pinayagan ako ng Sergeant namin na lumabas ng Kampo. Tatlong Araw ang hiningi kong leave, sa tagal ko naman kasi sa Serbisyo, kahit kelan ay hindi pa ako nag - leave basta nasa misyon kami. Naka - dalawang ikot pa ako sa harap ng salamin bago Ako lumabas ng kwarto ko. Ni - lock kong mabuti ang pinto nuon at naglakad na sa hallway ng mga kwarto pababa sa first floor ng Kampo namin. Naka - suot lang naman ako ng rubber shoes at pantalong maong na kulay khaki tsaka white na blouse ang pang - itaas. Wala naman kasi akong dalang mga dress dito kaya puro pants ang sinusuo

