Chapter 10

2383 Words
( Chapter 10 - Hey! I need your help ) Red’s POV “Wow! Seryoso ba ito, Ate Red? Nananampal po agad kayo nang hindi muna inaalam kung ano ba ang talaga totoo at kung totoo nga ba ang sinasabi ng Lucy na ‘yan?!” bulyaw sa akin ni Pinky. Sa sinabi pa lang niya alam ko na agad na walang ginagawang mali ang kapatid ko. Napamura ako nang palihim dahil nadala agad ako ng galit ko.  “Oh, sige, magpaliwanag ka. Gusto kong malaman kung ano ang totoo dahil sumakit bigla ang ulo at puso ko sa narinig ko sa babaeng iyan!” mahinahon kong sabi sa kanya. Inirapan tuloy ako ni Pinky at saka hinarap ang babaeng sumugod sa amin. “Hoy,  Lucy! Ano bang pinagsasabi mo? Bakit ka gumagawa ng kuwento? Close ba tayo? Sino bang boyfriend mo ang tinutukoy mo na nakikipag-s*x ako? Iyon mukha bang aso na jowa mo na si Roberto? Yuck! Hinding-hindi ako papatol sa pangit na ‘yon. Eskandalo ka nang eskandalo! Ako ba talaga ang tinutukoy mo o ibang tao?” sigaw sa kanya ni Pinky na kinataas naman ng kilay ko.  Pakiramdam ko ay may mali talagang nangyayari. Naglabasan tuloy ang mga kapitbahay namin dahil sa mga sigawan namin. Ang daming nakatingin sa amin na akala mo ay may shooting ng drama sa tv. “Ibang Pinky pala ang tinutukoy ko. Sorry, lasing ako. Dito kasi ang bahay na tinuro ng kaibigan ko. Sa iyong bahay pala ang naituro niya,” mahiya-hiya nitong sabi kay Pinky na tila nawala ang lasing. Napanganga tuloy ako sa mga narinig ko.  “Gago ka pala, eh!” Isang malakas na sapak ang binigay ni Pinky sa babaeng ‘yon. Nabuwal tuloy ito at tuluyan nang nakatulog sa kalsada. Galit na galit si Pinky kaya napa-solid ang suntok nito sa kaniya. Agad naman akong lumapit sa kanya para mag-sorry. “Sorry kung nasampal kita, bunso. Nabigla lang ako dahil sa galit ko,” sabi ko agad sa kanya. Hindi ito makatingin sa akin, pero nakita kong napapaluha na siya. “Sa susunod, bago ka manakit, kausapin niyo muna ako. Para saan pa ang usapan natin na walang sakitan kung ikaw rin pala ang babasag sa napag-usapan. Ang sakit ng sampal mo, Ate Red,” sabi niya habang napapairap pa rin. “Sorry na nga,: sabi ko ulit kaya napayakap na lang siya sa akin. “Anong gagawin natin sa babaeng ito?” tanong ni mama nang lumabas na rin ito sa gate. “Hayaan mo siya diyan. Kasalanan naman niya kung bakit nangyari sa kanya ‘yan. Lasenggera siya!” galit na sabi ni Pinky. Mayamaya ay may isang babaeng bumaba sa tricycle. Nakita niyang nakahandusay sa kalsada ang Lucy na ‘yon. Napatingin din ito kay Pinky na nanlilisik ang mata. “Sabi ko na nga ba't mali siya nang pinuntahan. Sorry, Pinky, ha!” sabi niya sa kapatid ko. Tinanguan na lang siya ni Pinky at saka na niya ito binuhat pasakay sa tricycle. Pagkatapos nang shooting ay nag-alisan na rin agad ang mga tao. Pagpasok namin sa loob ay tahimik tuloy kaming lahat habang nakaupo na sa hapagkainan.  “Oh, baka naman lumalalim pa ang alitan niyong magkapatid,” sabi ni mama nang maglagay na ito ng ulam sa gitna ng lamesa. “Hindi po, okay na kami ni, Ate Red,” sagot ni Pinky. “Tahimik lang ako dahil baka balikan ako ng Lucy na ‘yon. War freak pa naman ‘yon,” dagdag pa niya. “Sabihan mo lang ako kapag sinaktan ka ng babaeng ‘yon, ako ang gaganti para sa ‘yo,” sabi ko naman. “Hoy, tumigil na kayong dalawa. Gulo ‘yang papasukin ninyo. Ayokong mapunta pa ‘yan sa p*****n!” saway sa amin ni mama kaya napanganga kaming dalawa ni Pinky. “Wow! Ang layo naman po ata agad nang narating ng isip ninyo, mama. p*****n agad? Hindi ba puwedeng gulpih*n lang?” Napapailing tuloy kami parehas ni Pinky. Pati si papa ay natatawa na lang. “Teka nga, may pagkain na ba roon si Waldo? Wala pa ata siyang lutuan doon kaya baka wala pa siyang hapunan?” tanong ni papa kaya napaisip din ako. Nawala tuloy sa isip ko si Waldo dahil sa eksena ni Lucy. “Tawagin mo na, Red. Dito mo na siya pakainin muna ngayong gabi,” utos sa akin ni mama kaya dali-dali akong pumunta sa kabilang bahay. Nakasarado ang pinto ng bahay niya nang dumating ako. Tahimik na rin doon. Mukhang natutulog na siya. Kumatok ako at saka ko pinihit ang seradura ng pintuan niya. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakahiga na ito sa sofa. Nadilat ang mata niya nang makita ako. “Kumain ka na ba at natutulog ka na?” tanong ko agad sa kanya. “Pinapak ko na lang iyong ulam na binigay ng mama mo. Wala pang lutuan dito kaya hindi pa ako makakapagluto ng kanin. Itutulog ko na lang sana ang gutom ko. Bukas ko na lang sana aatupaging mamili ng mga kasangkapang pang kusina dahil gabi na rin nang matapos akong maglinis ng bahay,” sabi niya. “Halika, pinapaaya ka ni mama. Sa amin ka na raw muna maghapunan ngayon,” aya ko sa kanya. Ayaw pa sana niyang sumama dahil nahihiya ito. Hinila ko na lang siya kaya napilitan itong sumama sa akin. “Eh, napakaguwapo naman pa lang bata nitong si Waldo,” bati ni mama sa kanya nang maupo na rin ito sa hapagkainan namin. “Alam ko na kung bakit tinulungan siya ni Red. Tiyak na palihim na niya iyang boyfriend,” patawang sabi ni papa kaya tatawa-tawa si Waldo. “Ang hirap nga pong ligawan ni Red. Gusto ko nga po siyang maging girlfriend, ayaw lang niya dahil pamilya na raw ang turing niya sa akin,” pag-aamin ni Waldo kaya napanganga silang lahat. “See, hindi ko siya nilalandi. Pamilya talaga ang turing ko sa kanya,” sabi ko kaya napatango na lang silang lahat. “Sayang, anak. Pinatulan mo na dapat at guwapo naman pala itong si Waldo,” pagpapatawa na rin ni mama kaya napapailing ako.  “Ingat ka lang sa Plowden street at maraming siraulo dito. Iyang mga ganyang magaganda ang mukha ang madalas nilang pag-trip-an dito,” paalala ni Pinky kay Waldo. “Tama. Mga pangit kasi ang mga tambay dito. Mga palamunin ng mga magu-magulang nila. Mga wala silang magawa sa buhay. Gulo lang palagi ang hanap nila kaya mag-iingat ka,” paalala ko na rin sa kanya. “Hindi bale, kasabay ko naman na palagi ‘yang si Waldo papunta sa restaurant kaya hindi siya magagalaw ng mga batang hamog na ‘yon,” sabi ni mama kaya napangiti si Waldo. “Salamat po, tita, sa pagtanggap sa akin sa restaurant niyo. Nakakatuwa na may bahay na nga ako, may instant trabaho pa. Napakasuwerte ko at sa mabauting pamilya ako napunta,” sabi ni Waldo habang napapayuko pa sa aming lahat.  Masayang nakisalo sa hapunan namin si Waldo. Tuwang-tuwa sina mama, papa at Pinky sa kanya dahil ngayon lang daw ito nakaranas kumain nang tahimik, maraming pagkain at masayang nakikipagkuwentuhan sa amin. Muntik pa nga itong maiyak, pinanlakihan ko lang siya ng mata kaya tumigil siya. Lalong nakuha ni Waldo ang loob ng pamilya ko dahil sa pagiging totoo at mabait niya. Lahat tuloy sila ay napapangiti nitong si Waldo sa mga pinagkukuwento niyang karanasan niya sa Manila.  At dahil pare-parehas kaming pagod ngayong araw ay maaga na rin kaming natulog. Dinalhan ko pa nga ng unan at kumot si Waldo dahil nakita ko ito kanina sa sofa niya na nakabaluktot at nakaunan lang ang kamay niya sa ulo niya. Kawawa naman. Maaga akong gumising kinabukasan. 4 am pa lang ng tumunog ang alarm clock. Nag-text na rin sa akin ang amo kong bakla. Gumayak daw ako nang mabilisan dahil naiba ang call time ng kasal na pupuntahan namin. Sa Tagaytay ang tungo namin ngayon kaya napanganga ako. Dali-dali tuloy akong naggagayak ng damit ko dahil baka doon kami matulog mamayang gabi.  15 minutes lang ang nilaan ko sa paggayak dahil mayamaya lang din ay binusinahan na ako ng kotse ni Madam Nixie na amo kong bakla sa beauty parlor. Isang maleta ang dala ko. Naroon na ang mga makeup at mga damit na need ko. Natutuwa ako dahil sa dami naming bakla sa parlor niya ay ako ang pinili niyang isama dahil ako raw ang pinakamahusay ang kamay sa lahat. Mga tanga kasi ang mga baklang kasama ko. Mas inaatupag nila ang manlalaki kaysa manuod ng mga makeup tutorial sa Youtube. Ayan tuloy, hanggang ngayon, hindi pa rin silang mahusay sa pagkokolorete ng mukha. Sila itong dati na sa parlor, pero sila pa itong mga hindi pa magagaling. “Nag-almusal ka na ba, Red?” tanong ni Madam Nixie nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan niya. “Hindi pa, madam. Natuliro ako sa bagong call time kaya agarang gayak ang ginawa ko,” sagot ko sa kanya kaya pinagtawanan niya ako. “Alam ko namang hindi ka makakapag-almusal kaya dumaan ako kanina sa isang convenience store para bumili ng hot coffee at tinapay.” Inabot sa akin ni Madam Nixie ang libre niyang almusal. Mabuti na lang bumili siya ng ganito. Ayaw ko pa naman ng gutom habang bumibiyahe. “Ang bongga talaga ni madam. Maraming salamat po sa libreng almusal," sabi ko at saka na ako nag umpisang mag-almusal. Pagkatapos kong mag-almusal ay natulog muna ulit ako dahil dalawang oras ang biyahe namin papunta sa Tagatay City. Ang sarap lang sa pakiramdam ang ganitong road trip habang nakikinig ng music. Mabuti na lang at dala-dala ko ang jacket ko. Iilang sandali pa lamang kami sa biyahe, pero nilalamig na agad ako. Huwag nga lang sana akong mag-iihi at nakakahiya sa driver kung maya't maya ay pinapahinto ko ang sasakyan sa gasoline station para makaihi. Hindi ko nga inubos ang kape para hindi talaga ako mag-ihi. Tapik ni Madam Nixie ang gumising sa akin. Bandang 7:30 am nang makarating na kami sa Tagaytay. Pagbukas ko ng pintuan ng sasakyan ay sinalubong ako ng malamig na hangin ng Tagaytay City. For the first ay nakarating na rin ako sa Tagaytay. Binitbit ko na pagbaba ko ang dala-dala kong maleta. Dito ang resort na pupuntahan namin malapit sa Taal volcano. Nakakataas balahibo iyon dahil dati ay sa libro at internet ko lang nakikita ang bulkan na ito, pero ngayon personal ko na siyang nakikita. “First time mong makarating dito, Red?” tanong ni madam sa akin kaya tumango naman ako. “Opo. Ang lamig pala rito. Mabuti na lang at nag-jacket ako,” sagot ko sa kanya. “Akin na ‘yang gamit mo. Uutusan kita. Bumili ka ulit ng kape natin at balita ko ay masarap ang kape dito,” utos niya sa akin at saka tinuro ang isang malaking coffee shop na malapit sa resort na pupuntahan namin. Nag-abot siya ng isang libong piso sa akin. Ewan ko ba, kapag ganitong nasa ibang lugar ako at sosyal na bilihan ang papasukin ko ay kinakahaban ako. Pakiramdam ko ay nakakahiyang um-order. Ganoon pa man ay ilalaban ko na para maranasan ko namang um-order ng kape sa ganitong sosyal na coffee shop. Pagdating ko roon ay isang sasakyan lang ang nakita kong naka-park sa labas ng coffee shop na ‘yon. Sa tingin ko ay wala pang masyadong customer dahil sobrang maaga pa. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong agad ang ilong ko ng mabangong amoy ng kape. Heaven ang ganitong pakiramdam. Mukhang tama nga si Madam Nixie. Malasa nga siguro ang mga kape rito. Nakita ko sa may bandang gilid ang isang lalaki na umagang-umaga pa lang ay nakasuot ng salamin sa mata. Pamilyar ang mukha nito, pero nawala agad ang atensyon ko sa kanya nang kausapin agad ako ng isang crew doon. “Good morning po, ma’am,” bati nito sa akin. “Good morning din sa iyo, iha,” sagot ko at saka ako tumingin sa menu nila. Kunyari tumitingin-tingin ako, pero ang sinabi ni Madam Nixie talaga sa ang sinabi ko sa kanya sa bandang huli. “Dalawang order nga ako ng bestseller niyo na coffee dito,” sabi ko kaya tumango naman agad ito sa akin. “For dining po ba or take-out?” “Take-out.” Napanganga ako dahil kape lang iyon, pero inabot ng 500 pesos. Bale, 250 pesos ang isang order ng kape. Wow! Pang-sosyal nga pala ang coffee shop na ito. Ginto masyado ang mga presyo. Nang sabihin ng babaeng nasa cashier na maupo muna ako ay naupo nga muna ako. Habang naghihintay ako ay napatingin ulit ako sa lalaking nakita ko kanina sa may gilid. Kaming dalawa pa lang ang tao ngayon dito. Nakita kong wala na itong shade sa mata niya. Nanlaki na lang bigla ang mata ko nang makita ko kung sino ito. Mapula ang mata niya at tila galing siya sa iyak. Kaya naman pala may shade siya. Hindi ako puwedeng magkamali. Itong iyong lalaking pinuntahan ko sa condo na nagbigay sa akin ng hopia-reward. Ito ‘yung lalaking muntik na akong masagasaan. Nagtama ang mga mata namin. Nakita niya ako kaya agad naman akong umiwas nang tingin sa kanya. Inirapan ko pa nga siya eh. “Hey!” tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin dahil okay na ang order ko. Kinuha ko na ang mga kape sa cashier at saka ako diretsyong naglakad papunta sa pintuan. Nagulat ako nang harangin niya ako. “Hey! I need your help,”  sabi niya kaya napanganga ako. “Sorry, busy ako. Wala akong time sa mga gaya mong masama ang tabas ng dila!” bulyaw ko sa kanya at saka ko na siya iniwan nang tuluyan doon. Ang kapal ng mukha niyang manghingi ng tulong sa akin pagkatapos niya akong sigawan at paalisin sa condo niya. Ulol siya! Huwag nga ako. Ang liit-liit ng mundo talaga. Akalain mo iyon, pati dito sa Tagaytay ay makikita ko pa siya? Nang maalala ko ang itsura nito kanina ay naisip kong mukhang may problema nga siya. Namumula ang mata, eh. Ano kayang tulong ang hinihingi niya?  Dapat pala’y pinakinggan ko muna. Baka kasi seryoso ang pinoproblema niya ngayon. Kawawa naman.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD