( Chapter 7 - Upload now, delete later! )
Red's POV
“Oh, bakit ang putla ng labi mo at tila kalat-kalat sa paligid ng bibig mo ang lipstick mo?” tanong sa akin ni papa nang makasalubong ko siya sa pinto ng bahay namin.
“Napasarap po kasi ako nang kain doon sa pinuntahan ko,” pagsisinungaling ko sa kanya. Gusto ko sanang isagot sa kanya na napasarap ako nang pakikipaghalikan sa kumpare niya, kaya lang ay baka kung ano ang magawa sa akin ni papa. Baka, mabalibag niya ako ng flower vase. Charot!
“Naku, hinay-hinay sa mga mamantikang pagkain, anak. Mahirap magkasakit sa puso. Tignan mo iyong asawa ni Andres na kumpare ko, bedridden na ngayon dahil sa sakit sa puso.” Naupo ako saglit sa sofa. Doon ako nagtanggal ng heels ko.
“Kaya nga po more on gulay ako, eh." Kinuha ko ang remote ng TV at saka ko ito binuksan. Maaga nang ako ay makauwi kaya manunuod muna ako ng movie with my papa. Minsan na lang kami mag-bonding kaya susulitin ko ito.
“Movie time na ba? Gusto mo bang paghanda kita ng popcorn at juice?” alok niya pero tumanggi ako. “Busog pa po ako, papa,” sabi ko kaya umupo na lang ulit siya sa rocking chair niya.
“Si Pinky po ba ay tulog pa rin?” tanong ko habang namimili na ako ng movie na papanuorin namin sa Netflix.
“Oo, gabi pa ang gising ng batang ‘yon.” Tumayo tuloy ako at saka ko inabot ang remote ng TV sa kanya. “Ikaw na po ang mamili ng movie na papanuorin at gigisingin ko lang ang babaeng ‘yon," sabi ko sa kanya at saka ako naglakad papunta sa kuwarto ni Pinky.
Nang makapasok ako roon ay malinis na ang room niya. Mukhang nalinis na ni mama ang room niya bago ito pumunta sa restaurant namin. Napapailing tuloy ako. Nagiging pabigat pa itong si Pinky sa bahay na ito. Siya ang babae na dapat tumutulong eh, siya pa itong nakakadagdag ng trabaho rito. Kawawa naman sina mama at papa.
“Hoy!” sinigawan ko siya at saka binuhusan ng tubig sa mukha niya.
“OMG!” Napabalikwas ito nang bangon dahil sa ginawa ko. Malamig na tubig kasi iyon kaya sigurado akong mapapabangon talaga siya.
“Anong nangyayari sa iyo, Pinky?” Nagpupunas ito ng tubig ngayon sa mukha niya gamit ang kumot niyang naninilaw na dahil mukhang ilang buwan na niya itong ginagamit. Ang arte-arte sa labas, pero pagdating sa kuwarto ang dirty. Ang mga kabataan talaga ngayon puro mga tamad at sakit sa ulo.
“Nagkasiyahan lang naman po kagabi, Ate Red,” sagot niya habang nagliligpit na ng higaan niya. Alam niyang kapag ginising ko na siya ay hindi na siya maaring matulog pa ulit dahil hindi ko talaga siya titigilan hangga't hindi siya bumabangon.
“Ang sabi nila, ilang araw ka nang ganiyan. Aba, inuubos mo lang pala sa pakikipag-inuman ang allowance na binibigay ko sa ‘yo. Kung kani-kanino ka na kasi nakikipag kaibigan. Daig mo pa ako, Pinky. Hindi ako ganiyan dati!” pangaral ko sa kanya.
“Sorry na po, hindi na po mauulit,” sagot niya. Ang kagandahan naman sa kanya ay kahit pinapagalitan ko siya ay hindi ito lumalaban o nagtataas ng boses sa akin.
“Tanggalin mo na iyang balot ng kama mo at balot ng mga unan mo. Isama mo na rin ‘yang kumot mo na nagtututong na. Kadiri ka! Wala ka bang pang-amoy? Hindi mo ba alam na amoy amag na dito sa kuwarto mo?” Napapailing tuloy ako. Hindi ko kayang magtagal sa loob ng kuwarto niya. Mababahing talaga ako.
Binuhat niya ang mga kayong iyon papunta sa likod ng bahay namin. Binaba niya iyon sa tapat ng washing machine. Isasaksak na dapat niya iyon nang bigla ko siyang pinigilan. “I love you, Pinky, pero hindi ka puwedeng gumamit ng washing machine ngayon. Bilang parusa mo dahil sa mga pinaggagawa mo, lalabhan mo ‘yan nang manu-mano,” sabi ko kaya nagulat siya.
“OMG! Seryoso po ba?” tanong pa niya kaya tumango agad ako.
“After niyan, pupunta pa tayo kay mama. Sabi ni papa ay hindi pumasok ang dalawa nitong helper sa restaurant niya kaya tutulungan muna natin si mama roon," sabi ko pa kaya lalo nang napunit ang mukha niya.
Gusto sana niyang magreklamo pero hindi niya magawa. Nangako kasi kami sa isa't isa na hindi kami mag-aaway. Alam naman niya na kaya ko siya pinaparusahan ngayon ay dahil mali ang mga pinaggagawa niya. Nakita kong hinanda na niya ang malaking palanggana ni mama. Nilabas na rin niya ang mga sabong panlaba at saka nilagyan ng tubig ang palanggana.
“Bilisan mo na riyan at pagkatapos ay maligo ka na. Doon ka na kumain ng tanghalin mo sa restaurant ni mama,” utos ko sa kanya kaya tumango na lang siya.
Iniwan ko na muna siya roon. Binalikan ko si papa sa salas namin. “Sorry pa, no movie bonding muna pala tayo ngayon at pupunta po kami ni Pinky sa restaurant ni mama para tulungan siya roon,” paalam ko sa kanya.
“Puwede sumama?” tanong niya kaya natigil ako sa pag-akyat sa hagdanan. Ayoko sana siyang isama dahil baka mapagod siya, kaya lang ay nakakaawa naman ito kung maiiwan siyang mag-isa sa bahay.
“Sige po, sumakay na lang po kayo ng tricycle para hindi kayo mapagod. Kami na lang ni Pinky ang maglalakad para hindi sayang ang pamasahe,” sagot ko sa kanya at saka na ako umakyat sa itaas para magbihis.
Nagpalit lang ako ng puting t-shirt at maikling maong na short pagkapasok ko sa kuwarto ko. Pagkabihis ko ay tumuloy na agad ako sa kusina para igawa si mama ng avocado shake na paborito nito. Tiyak na matutuwa siya mamaya kapag nakita niyang pumunta kami mamaya roon at may dala-dala pang avocado shake.
Nagbabanlaw na ng mga tela si Pinky nang matapos akong gumawa ng avocado shake. Ready na rin si papa. Dala-dala nito ang tungkod niya nang datnan ko itong nakaupo sa bench ng garden namin.
“Mauna na po kaya kayo, papa? Maliligo pa kasi si Pinky, eh,” sabi ko sa kanya.
“Oh, sige at naiinip na rin ako sa kakahintay sa inyo. Baka maraming kumakain ngayon eh, matulungan na ang mama doon,” sagot niya kaya hinatid ko na siya sa labas ng bahay.
“Pagdating doon ay behave lang po, ha? Huwag kayong mag-aaway ni mama at nakakahiya sa customer,” paalala ko sa kanya. Palagi kasi silang nagbabangayan kapag may hindi nagustuhan ang isa sa mga gawain nila pareho.
“Masusunod po, iha,” sagot niya at saka ako kiniliti sa tagiliran ko.
May dumaan ng tricycle kaya pinara ko na iyon. Paglapit nito sa amin ay inalalayan kong pumasok doon si papa. Pagsakay nito ay ako na rin ang nag-abot ng bayad kay mamang driver. Pag-alis ng tricycle ay parang bata si papa dahil kumakaway-kaway pa ito sa akin. Nang makalayo na ito sa akin ay nagulat ako dahil nasa tabi ko na ang ex-bestfriend ko na si Ben. Seryoso itong nakatingin sa akin.
“Wow! Seryoso ba ito? Kakausapin mo na ba ako ngayon?” tanong ko sa kanya kaya napangisi ito na para bang iniinis pa ako.
“Look, pinagkakaperahan ka ni Mang Andres. Ang dirty mo na talaga, Red. Bakit kasi pumatol ka sa kanya? Hindi mo ba alam na may camera ang taxi niya?” sabi niya at saka pinakita sa akin ang cellphone niya. Napanganga ako nang makita kong naka-upload ang video namin sa isang p*rnsite. Video ‘yon nang paghahalikan nami kanina sa taxi niya at ang pagha-handj*b ko sa talong niya. Dali-dali ko tuloy ibinalik ang phone sa kanya at saka ako nagtatakbo papunta sa bahay nila Mang Andres.
Sinundan naman agad ako ni Ben para siguro i-back up ako. Nakakandado pa ang gate nilang gawa sa kawayan nang dumating ako roon. Galit ako kaya agad ko iyong tinadyakan. Nasira ito dahil sa pagkakasipa ko. Nang marinig nilang may kumalampag ng mga kawayan sa lupa ay lumabas na si Mang Andres at ang anak nito.
“Oh, na-miss mo ba agad ako, baby ko?” bulong nito sa akin habang tinatakpan niya ang tainga ng anak niya. Nakita kong napangisi si Ben. Nagulat siguro siya sa narinig niya.
“Baby mong mukha mo!” sigaw ko sa kanya. “Ipasok mo muna ang anak mo at may pag-uusapan tayong mahalagang-mahalaga,” sabi ko pa kaya agad naman niyang inakay ang anak niya papasok sa loob ng bahay nila.
“Ipabura mo sa kanya iyon kung ayaw mong sumikat ka. Nakakadiri pa naman ang video niyo. More laplapan kayo, ew!” panunura pa ni Ben kaya siniko ko na siya.
“Aray! Timawa ka talaga!” iritado niyang sabi habang napapairap pa.
Nang lumabas na ulit si Mang Andres ay hinila ko siya palabas sa gate nilang kawayan.
“Bakit ba nagagalit ka, baby?” tanong pa rin nito. Wala pa rin siyang idea na alam ko na ang ginawa niya.
“Buburahin mo ang video natin o ibubulgar ko sa asawa mo ang ganitong trabaho mo?” warning ko sa kanya kaya biglang nawala ang ngiti sa mga labi niya.
“N...nakita mo pa ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Updated ako sa mga p*rnsite. Malas ka at nakita ko agad ang video mo sa mga bagong labas na video roon,” singit ni Ben kaya nakita kong nagalit ang mukha nito sa kaniya.
“Fine! Buburahin ko na. Binabawi ko na rin ang panliligaw sa iyo dahil break na tayo, Red!” sabi pa niya kaya tumawa ako.
“Sino may sabi na sineryoso kita? Ew! Hindi ako mahilig sa mga hot daddy na putahe na ng bayan!” Hindi siya nakakibo sa sinabi ko. Pinakita na lang niya sa akin na binura na niya ang video namin. Sinigurado ko rin na wala na siyang copy ng video namin para safe na safe na ako.
Nang mabura na niya iyon ay umalis na kami ni Ben doon.
“Thanks,” sabi ko kay Ben pero umirap lang siya.
“Mas malandi ka pa ngayon sa akin. Hanggang ngayon nakakapanghinayang ka talaga. Diyan ka na nga, umiinit na naman ang ulo ko sa iyo,” sabi niya sa akin at saka ako nilayasan. Ibig sabihin ay hindi pa rin pala kami good. Baliw din talaga ang ex-bestfriend kong ito. Pero malakas ang kutob ko na magiging magkaibigan ulit kami. Hindi man ngayon ay maaaring sa mga susunod na araw.
Pagbalik ko sa loob ng bahay namin ay saktong nakalabas na sa banyo si Pinky na bagong ligo. “Tara na, Ate Red. Nagugutom na ako,” aya niya. Sinilip ko pa sa likod ng bahay namin ang ginawa niya. Sinigurado ko kung nalabhan na niya ang mga sapin niya nang maayos. Napangiti naman ako nang makita kong nakasampay na iyon sa mahaba naming sampayan doon.
“Tara.” Siya na ang pinagbitbit ko ng avocado shake ni mama at ila-lock ko pa kasi ang pinto at gate ng bahay namin. Tulad nang sinabi ko ay naglakad lang kami papunta sa palengke dahil malapit lang naman iyon dito sa bahay namin. Mga tatlong kanto lang ay naroon na agad kami.
Habang naglalakad na kami ay napansin kong may color violet na parang pasa sa leeg si Pinky. Nahinto tuloy ako sa paglalakad. “Nagjo-jowa ka na ba, Pinky?” seryoso kong tanong sa kanya kaya nahinto na rin siya sa paglalakad.
“H...ha? H..hindi po, ah!” mautal-utal niyang sagot. Kilala ko siya kapag hindi nagsasabi ng totoo.
“Pinky, ang sabi ko huwag muna. Huwag muna dahil hindi ka pa tapos sa pag-aaral. Tutulungan mo pa ‘di ba ako sa mga pangarap nating magkaroon ng mansyon na bahay?”
“Oo naman, pero nalasing lang naman ako. W-wala naman po akong boyfriend,” sabi pa niya.
“Please, Pinky, ayokong madisgrasya ka ng maaga. Mahirap maging batang ina, tandaan mo iyan.”
“Sorry, hindi na ako mauulit pa na tumabi sa lalaking ‘yon. Nalasing lang naman po kasi ako, pero wala namang ibang nangyari kaya, safe po ako," sabi pa niya kaya naglakad na ulit ako. Ayokong masira ang mood ko at baka masungitan ko ang mga costumer ni mama. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami roon.
Pero masama talaga ang kutob ko sa mga pinaggagawa ng kapatid kong ito. Maganda si Pinky kaya alam kong lapitin ito ng mga lalaki. Marami pa akong pangarap sa kanya kaya ayoko munang mapako siya sa isang lalaki. Ayokong mahiwalay agad siya sa pamilya namin. Kailangan ko siyang atupagin. Itatama ko ng maaga ang landas niya. Makakatikim talaga sa akin ng mga masasakit na salita ang mga kaibigan niyang bad influence. Humanda sila!