Prologue

1049 Words
Isang ginintuang sulat na nakalagay sa gintong sobre ang masigasig na ipinamahagi ng mga mensahero ng eskwelahan. Para sa mga estudyanteng may kakaibang kakayahan. Hindi kapangyarihan kundi special ability na tanging iilan lang ang nagtataglay. Sa paglipas ng panahon nanatiling misteryo ang mga impormasyon tungkol sa eskwelahan at ang mga pangyayari sa loob nito. Maraming mga tao ang hindi basta basta nakakapasok at nakakapag aral sa nasabing Eskwelahan dahil tanging mga piling estudyante lamang ang maaring maimbitahan. May mga patakaran at regulasyon na pinapatupad ang Underground Hell Academy. At lahat iyon ay nagmumula sa pinaka mataas. Ang tinatawag nilang Headmistress, siya ang may ari at nagpapalakad ng paaralan. Ang lahat ng iniimbitahan nito ay mula sa magagaling na gangster sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi lamang sa buong Japan. Lahat sila ay may angking galing at talino sa pakikipaglaban at pag aaral. Nagkakaroon ng paligsahan at labanan sa pagitan ng bawat miyembro ng Gang. Isa iyon sa layunin ng paaralan. Ang hanapin at piliin kung sino ang pinaka malakas na Gang sa buong mundo. Matatagpuan ang eskwelahan sa pinakaliblib at pinaka ilalim ng lupa sa Japan. Tanging mga gangster at miyembro ng Mafia lamang ang pinahihintulutang makapasok rito maliban nalang kung mismong Head na ang nagbibigay ng permiso para makapasok sila. Malaki at malawak ang eskwelahan. Marami itong magagandang bulaklak, halaman at fountain. Napapabilibutan ng magagandang pulang rosas ang kabuohan ng Hardin. Marami rin silang tambayan gaya ng Lake, Gym, Benches at mga Tree house. Kung saan malayang nakakapag aral at nakakapagpahinga ang mga estudyante. Gawa sa mga matataas na Teknolohiya ang ginagamit ng paaralan sa pagtuturo. Maging ang mga kagamitan ay hindi rin mumurahin. Dahil ang pondo na ginagamit sa pagpapagawa ng eskwelahan ay mula sa mayamang angkan ng mga Satsuki. Binubuo ang Underground Hell Academy ng nagtatayugang gusali at library. Meron itong malaking gym, malaking canteen, malawak na field at olympic pool. Kumpleto ang lahat ng kagamitan rito. May mga training ground rin sa loob ng paaralan. Kung saan nag eensayo at nag aactivity ang mga estudyante kasama ang kanilang mga guro. May kanya-kanya lamang silang sinusunod na schedule sa pag gamit ng Training Area. Lunes nang umaga nang magsimula ang mga mensaherong mamahagi ng VIP letters mula sa may ari ng school para imbitahan ang mga napiling estudyanteng mag aral sa Akademia. Ito ang nilalaman ng sulat. Kapansin-pansin ang italic letters sa papel na nag sasaad ng: Greetings to everyone. We from Underground Hell Academy [U.H.A] inviting you and your respective gang to join our academy. We can set a war between our academy and other academy within this world. For entertainment and also to know who's the best academy for gangsters and also to know who's the most dangerous gangster. This determine who's the most notorious gangs that send chills down the spine of anyone. Join now ~ We hope to see you there. - Headmistress of Underground Hell Academy Akemi Point Of View Napangisi ako sa nabasa ko. Tama, kakaiba ang klase ng sulat na ito. Hindi katulad ng ibang academy o University na nagpapadala ng imbitasyon para pumasok sa eskwelahan nila para mag aral. This is different. At hindi rin sila nagpatumpik-tumpik pa para iparating ang mensahe nila ng may halong pagsisinungaling. This is only a half truth. Nasa pagbibigyan nalang ang pasya kung pauunlakan ba nila ang imbitasyon o babalewalain. Pero labis akong masisiyahan kung tatanggapin nila ang hamon ng Academy na mapabilang sa gangster na makakapasok. Nilagay ko nalang sa sling bag ang sobre saka naglakad palabas. Sinalubong naman ako ng aking butler na nagbabantay sakin at ng ilang bodyguards na nakaabang lang sa b****a ng mansion. Natigilan ako nang may isang bugatti veyron sportcar ang huminto sa may gate. Agad tinutok ng mga bantay ang kanilang baril. Unti-unting bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang hilaw na ngiti ni Zach. Ang bestfriend ko simula pagkabata. Sinenyasan ko naman ang butler na awatin ang mga baguhang taga bantay na huwag tutukan ng baril si Zach. Sinunod naman ako nito at pinababa ang baril ng mga baguhan. "Stop pointing your gun, idiots!" utos nito sa ma-awtoridad na boses. Nilingon siya ng mga baguhang body guard at sinunod. Kaya mabilis na binaba ng mga ito ang baril at humingi ng paumanhin. "Sorry Sir! For safety lang po."paumanhin na sabi ng mga ito. Tumango lang si Zach sa tinuran ng mga ito saka bumaba at dumiretso sakin. Ngumiti siya gaya ng nakagawian. "good morning, young master Zach."bati ng butler at bahagyang yumuko. Binigyan lang siya ni Zach ng tipid na ngiti saka humarap sakin. "halika na. Naghihintay na ang mga bagong estudyante ng UA."sabi niya sa seeyosong tono. Seryoso lang ang tingin ko at minuwestra sa butler na sabihin sa driver na huwag na akong ihatid. Alam niya na 'yon ang tinutukoy ko dahil hindi naman siya bingi. Malamang ay narinig niya ang sinabi ni Zach. "kelan kapa naging personal driver ko? Mr. Reivin."nakataas ang kilay ko habang tinutudyo ang kaibigan. Humalakhak lang siya at sinabayan ako sa paglalakad hanggang makapasok ako sa loob ng kotse. "ayaw mo ba? Headmistress."makahulugang untag nito. Lihim akong napairap. Saka niya ko pinagbuksan ng pinto. Sumakay ako sa kotse niya. Sumakay naman siya sa driver seat at nagsimula ng paandarin ang sasakyan. Sumunod naman samin ang tatlong itim na van sakay ang mga bodyguard ko. Dahil lagi silang nakabantay sakin kaya kahit sa school ay kasama sila. Pero nanatili lamang sila sa warehouse para sa mga bodyguard. At kung kailangan saka lamang sila reresponde sa akin. Habang nasa biyahe ay nagsalita si Zach. Hindi ko naman ito nilingon. "Real ano bang binabalak mo?"tanong niya habang seryosong nagmamaneho. "secret."sabi ko nalang. Saka napangisi. Characters of Underground Hell Academy Akemi Rielle Satsuki Gon Seijero Aia Morgenstern Dennise Feliciano Finn Sheaffer Seo Ye Jin Coo Ilustrado Dark Devil Gang Zidane Ace Highwind Precious Acwørth Hèllcrèst Ace Xander Zandford Ice Royalties Assasins Xairo Grey Enigmatic Mafia Terrorist Melody Impact Maxine Venus Fortalejo Professors Amora Flavién Mykeyla Waugh Skyla Kersey Greco Waugh Akemi soulmate Vin Klein Akemi Real Father Brylle Eleazer Zaffiro Akemi Bestfriend Zach Reivin Akemi Cousin Hera Xael Raez Hera boyfriend Spade Luxstone Antagonist Zyrus Xylle Vaughn SwordChain Academy •Amethyst Leuven •Zander Maxwell •Glair Grande Crimson Academy •Luke Montefalco •Trixie Flyn •Zeus Senkun
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD