Kabanata 2

2099 Words
Underground Hell Academy Student Council Vice President Matapos ang sumunod na klase ay naisipan naming tumambay sa Hagdan ng Building. Nakaupo lang kami sa hagdan ni Zach kasama sila Denisse at Finn. Kita namin sa groundfloor na pinagkakaguluhan ng mga estudyante si Gon. Ang Vice President ng student council. He has this cold aura that can freeze anyone who's near him. Kaya may ilang metro ang layo ng mga fangirls niya sakanya. Panay ang tilian ng mga ito. May mga literal na naghahyperventilate pa talaga. Halata naman kay Gon ang pagkairita. Sino ba naman ang hindi maiinis kung halos reypin na siya ng tingin ng mga babae. Sobrang guwapo kasi talaga nito. May malamig na tingin dahil matang kulay itim, makapal na kilay, mahabang pilikmata, matangos na ilong at manipis na labing namumula. "Kawawang Gon."tudyong sabi ni Finn sa gilid. Nakasandal siya sa may pader. Habang may hawak na libro. Minsan lang yan humawak ng libro. Kadalasan kasing hawak niya ay baseball bat. "Akala mo naman hindi natin danas 'yan."natatawang sambit ni Zach. Kakaiba lang sila ni Finn kasi nginingitian at binabati pa nila ang mga fans nila. "Hangin.."patudyong saad ni Denisse na may pag irap pa sa dalawa. Kasama ni Gon si Aia. Madalas silang magkasama. Pero ganoon lang talaga sila. Hindi kasi mahilig sa babae si Gon. Kaya walang nadedevelop sa dalawa. Madalas pa ngang asarin ni Aia na bakla ang kaibigan. Tinatawanan lang siya ni Gon. Yeah, that cold prince know how to laugh and smile. Kapag kami ang kasama. Nakarating sila sa pwesto namin. Tumayo naman kami at sabay-sabay na kaming dumiretso sa next class which is Algebra. Panay ang pag eexample ni Ma'am Mykela sa mga formula kung paano magsolve. Habang natutulog si Gon. At nakikinig si Aia. Katabi ko naman si Zach na nagtetake down notes. Ganyan 'yan kasipag. Si Secret naman ay nakaupo sa second row. Panay ang pangungulit nito sa katabi. Si Finn? Ayon naglalaro sa cellphone ng kung ano. Habang ako dala pa sa classroom ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan. Kabibigay lang ito sakin ng mga guro para sa week na ito. Hindi naman ako nagkakaproblema kahit ganoon. Dahil alam naman nila ang ginagawa ko at kung sino ako. As long as may nagsasalita sa harap naiintindihan ko ang itinuturo kahit wala sa white board ang atensyon ko. May ability akong makatanda ng mga lessons o kahit anong bagay na hindi mabilis mabura basta narinig ko. Habang nag babasa at naglilipat ng pahina. Agaw pansin sakin ang isang tranferee documents na may pangalang Vin Klein. Kahit na naagaw nito ang atensyon ko ay isinintabi ko na muna. Dahil tapos na pala ang klase at vacant time namin ngayon. Nagyaya silang kumain sa canteen na pinaunlakan ko naman. Inagaw ni Zach ang mga dala kong documents saka ngumiti. "salamat."sabi ko nalang at nginitian niya lang ako. Lahat ng tao nakatingin samin. Lahat panay ang papuri. At paghanga sa amin. Nadaanan namin si Coo. Kaya hinigit na siya ni Aia. "kung saan saan ka nanaman nagsusuot coo. Nambabae ka no?"pang asar ni Aia na sinakyan naman ng binata. "bakit mo alam?"natatawa nitong sabi. Binitawan naman siya ni Aia. Kasabay ng tawa ng boys. Nauuna akong maglakad. Nang may lalaking pumigil sakin. Hinawakan ako nito sa braso na siyang kailanman hindi ko nagustuhan. Ayoko kasi ng hinahawakan pero dahil kilala ko naman ang isang ito. Hinayaan ko na. Pero tiningnan ko ang braso kong hawak niya. Kaya bahagya siyang nahiya at bumitaw. "Anong kailangan mo? Ace."tanong ko sa lalaking may 5'6 na height. Singkit medyo hawig sila ni Gon pero di sila magkaano-ano. "It's private, headmistress. Excuse us. Pahiram muna sakanya."aniya sa seryosong muka at nagpaalam naman siya sa mga kasama ko. Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at hinila na'ko sa hallway kung saan madaming nagkalat na estudyante. Pumasok kami sa isang room na walang tao. Nilock niya ang pinto saka naglakad sa pinakadulo. Soundproof naman ito kaya walang makakarinig. "what is it?"tanong ko. Sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi ng binata habang bahagyang sumandal sa pader. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa at bumaling sakin. "Hinihintay kana nila sa Underground. Bakit di mo agad sinabi samin na may magandang balita patungkol sa war? Si Hera na mismong pinsan mo ang nagsabi na binigay niya na ang listahan ng academy na makakalaban ng academy natin. Nakakaumay na kasi ang laban ng mga gangs sa loob ng academy natin. Kaya sabik na sabik kami nila Precious at Xander makipaglaro. Sinabi na rin namin kay Maxine. Nasabi mo na ba kay Seo?"tanong niya. Magandang balita iyon. Hindi ako agad kumibo pero sumilay ang ngisi sa labi ko. "That's no longer a surprise. Napakadaldal talaga ni Hera."sabi ko nalang. Pinsan ko si Hera siya ang headmistress ng Wolfpack Academy. Siya nalang ang natitira kong kamag anak. Patay na rin kasi ang mga magulang niya. "well. Sorry. Haha."awkward itong ngumiti at humingi ng paumanhin. Umirap ako rito. Saka ko siya tinalikuran. "Magkita nalang tayo sa full moon. Ikaw na ang bahalang magsabi kina Seo at Xairo. You can do it. Saka pala wag mong kalimutan si Melody, Chaos at Knox. The leaders need to be there. Understand?"malamig kong sambit saka tinanggal ang lock. Tumango naman siya sa sinabi ko. Naglakad na'ko palabas pagkatapos naming mag usap. Sumunod ako sa grupo papuntang canteen. Dahil nagugutom na ko. Inabala ko masyado ni Ace para sa balita. Bago ang lahat. May apat na klase ng gang na bumubuo sa Underground Hell Academy. Nangunguna ang EMT. Enigmatic Mafia Terrorist mga babae sila na magaling makipaglaban at makipagtalastasan. Sa pamumuno ni Melody. Sumunod ang Dark Devil Gang na pinamumunuan ni Princess pero ngayon ay si Ace na ang nahawak dahil madalas wala ang leader nila. Kasama niya sa gang si Precious at Xander. Sila ang taga torture sa mga pasaway sa loob ng Academy at Underground. Demonyo sila. Hindi sila marunong maawa. At napaka mapaglaro. Pangatlo ang gang na may pinakamaraming members noong una pero nanlagas. Kaya ilan nalang sila. Ang gang na pinamumunuan ni Xairo. Iyon ay ang Ice Royalties Assassin. Mga assassins sila. Maasahan mo sa missions. Pumapangatlo sila sa pinakamagagaling sa assassins dito sa Japan. Malinis sila kumilos. Kaya madami ang nakuha sakanila para sa mga delikadong misyon. Palagi namang successful iyon. At last ay ang mga rebels na magaling din sa pagpatay. Walang bahid ng katiting na ebidensya kapag pumatay sila. Ang Moriarty Rebellious Killers. Brutal sila pumatay pero kahit sinong detective hindi sila kaya hulihin. Dahil tanging mga taga student councils lang ang nakakakilala sakanila. Kami lang. Nakarating ako sa canteen ng pinagtitinginan. Lagi naman. Kumaway si Denisse sakin. Kaya dumiretso nako sa puwesto nila sa dulo. Naupo ako sa tabi ni Zach sa pagitan nila ni Gon. May nakalapag na ding pagkain doon. Si Zach ang laging naorder ng pagkain ko. "Antagal mo naman Akemi, tingnan mo di pa tuloy nakain si Zach. Hihintayin ka daw."sabi ni Aia. Sinang ayunan naman nila Denisse. "bakit hinintay mo pa ko?"baling ko kay Zach saka dinampot ang kutsara at tinidor. Japanese dish ang nakahain. "syempre. Para may kasabay ka. Ayaw mo ba?"sabi niya naman na sinimulan ng sumubo. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kahit kailan talaga ang bestfriend ko napaka caring. "kung di ko lang alam na may ibang nagustuhan itong si Zach iisipin kong couple kayo eh."sabi ni Finn. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Chill, Akemi."natatawa niyang saad. Saka humigop sa soup niya. "Oo nga. Bagay naman kayo."sabi ni Coo na abala sa pagkain ng chocolate mousse cake niya. Ang hilig talaga niyan sa matamis na pagkain. Pero bitter yan. Yun nga lang may pagkafuckboy. Bitter na fuckboy. Oo meron noon. Wag kayong umangal. Dahil nag eexist si Coo. "baka sobrang close lang talaga sila. Parang kayo ni Aia at Gon."pagtatanggol ni Denisse. Tinaasan lang siya ng kilay ni Aia. Habang tahimik lang si Gon na nakain ng ramyeon. "whatever."sabi ni Aia na tinawanan lang ni Coo. Kumain nalang kami. Wala rin namang mapapala kung papansinin ang pang aasar ng mga kasama. Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami para sa sunod na klase ngayong hapon. First subject naman namin sa hapon si Ma'am Skyla. Siya ang prof namin sa Science. Kaya sa Science laboratory kami dumiretso. Pinabuklat niya samin ang libro ng Advance study in making a potion. Nagdemo siya sa pag gawa ng potion. Sinabi niya din samin na isa itong potion na nakakamatay gawa ito sa violet na bulaklak na nakalimutan ko ang tawag. Halos lahat naman ng potion nakakamatay. Hays. "wag niyong hahawakan ng kamay niyo. Kapag naamoy niyo kasi yan mamatay kayo. Mabilis pumasok sa katawan ang potion. Madalas gamitin sa silent killing. Di na kailangan ihalo sa pagkain o inumin."aniya. Tumango nalang kami. May takip na facial mask at nakagloves naman kami for protections. Pinagmasdan ko naman ang bulaklak. Kaya naalala ko kung ano ito. Ito ay tinatawag na Deadly Nightshade Despite its innocent looking exterior, this plant, its pretty purple flowers and its juicy black berries, are extremely toxic. When ingested, deadly nightshade can cause blurred vision, loss of balance, headaches, confusion, hallucinations, delirium and then, ultimately, death. "Ang galing.."tuwang tuwang sabi ni Precious. Halos mag-spark pa nga ang mata niya sa sobrang galak. Napansin ko din na ngumisi si Aia. Hayy. Halatang may mga binabalak. "Guys, did you know that..The nightshade has been a killer of kings, emperors, and warriors throughout history. The Roman military created a deadly paste from the plant that was used to make poison-tipped arrows for archers, a practice that was in use for centuries. Not even Kings were spared of the terror. Atropa Belladonna is a poisonous plant also called deadly nightshade. Its roots, leaves and fruits contain alkaloids: atropine, hyocyamine and scopolamine." aniya sa seryosong tinig. We nodded. "Ma'am, how long does nightshade poisoning take?" kuryosong tanong ni Precious. Nilingon naman siya ng guro at sinabi ang sagot. "Well, the symptoms of nightshade could last for 1 to 3 days and may require a hospital stay. Death is unlikely. Remember, DO NOT touch or eat any unfamiliar plant." aniya sa seryosong tinig. Manghang tumango naman si Precious sa narinig. "Ma'am, is there any chemicals can kill nightshade?" Aia asked with curiousity. "Herbicides which contain the active ingredients glyphosate (Round Up®, many others), triclopyr ( Garlon®, others) or imazapyr (Habitat®, others) are effective in controlling bitter nightshade. Glyphosate can be applied as a foliar treatment throughout the summer, after the plants are fully leafed out." sagot naman ni Ma'am Skyla. Saka pinakita samin ang ginagawa. "Ma'am, how much nightshade is lethal?" tanong naman ni Secret. "The “real” deadly nightshade (Atropa belladonna) is worthy of its name. A single berry can be fatal to a child, and 8-10 berries or just one leaf is enough to kill an adult. Accidental poisonings may occur because the deeply hooded purple berries taste sweet, and may be consumed by kids or adults."paliwanag ni Ma'am Skyla na siyang kinatango ni Secret. "Belladonna is native to England as well as Central and Southern Europe, where it can be found in disturbed areas, along roads and waste sites. In the US, it has naturalized in disturbed grounds in New York as well as our three west coast states, Washington, Oregon and California."pinaliwanag naman ni Ma'am kung saan matatagpuan ang ganoong klase ng bulaklak. Saka pinakita samin ang kulay black noon. " When taken by mouth: Black nightshade unripe berries and leaves are likely unsafe. These contain a toxic chemical called solanine. At lower doses, they can cause nausea, vomiting, and other side effects. At higher doses, they can cause severe poisoning, which can lead to death."saka ipinaliwanag ulit ang side effects. "As you can see, a poisonous nightshade looks like leaves are dark green to purple-tinged. Mid-May to September, produces star-shaped purple flowers with stamens fused in a prominent yellow cone. Flowers followed by round or egg-shaped berries that ripen from green, to orange, to bright red. It is poisonous and toxic to people, pets and livestock."aniya saka pinakita samin ang pagluluto sa nightshade. "To me black nightshade berries are reminiscent of tomatoes, but sometimes have an edge of bitter at the finish, or a bit of bite like a chili. They cook down to the deepest, most brilliant purple."aniya saka namin siya ginaya. At after namin makatapos gaya ng ginawa niya ay dinismissed na niya kami. Marami akong natutunan sa bawat klase. Lahat ng nalalaman ko ay helpful at pwede kong magamit anytime. I want to try it. Pero hindi muna ngayon. I want to focus on my next class.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD