BUMILING ng higa si Honey. At halos awtomatikong yumakap siya sa katabi. Nagising ang diwa niya nang makapa na wala siyang yayakapin. “d**k?” inaantok pang hanap niya dito. Hindi siya agad nakakilos nang matiyak na wala nga ang asawa sa paligid. Sa totoo lang ay hindi na bago iyon. May mga gabing naalimpungatan siya na wala ito sa kanyang tabi. At hindi man siya magtanong, halos alam na rin naman niya ang dahilan. Si Daisy. It had always been about Daisy. Akala niya noon ay ayos na ang lahat. Na wala na silang ipag-aalala. Pero akala lang pala iyon. Daisy had become a silent tension between them. Alam nila parehong apektado pa rin siya tungkol kay Daisy kahit na hindi siya nagbubukas ng usapan dito. At hindi na rin naman nagkukuwento sa kanya si d**k ng tungkol sa Daisy. Wala silang

