Part 2

1224 Words
KULANG NA lang ay sipain ni d**k ang sofa nang madaanan niya iyon. Sa ikalawang pagkakataon sa dis-oras na iyon ay lumabas siya ng unit nila. Diretso siya sa pinanggalingan niya kanina. Sa smoking area ng building. Bihira lang siyang manigarilyo. At nito ngang pakasalan niya si Honey ay mas pinigil niya ang gawaing iyon. Alam niyang masama iyon sa kalusugan, lalo na sa asawa at magiging anak nila. He smoked sharply. Aminin man niya o hindi, may unos na pinagdadaanan ang pagsasama nila ni Honey. At mas damang-dama niya iyon sa mga gabing ganito. What’s wrong with married couple making love? Hindi ba’t natural lang iyon? And it was not just an obligatory s*x. Definitely not for him. Hindi niya iyon ginagawa kay Honey dahil lang sa tawag ng pangangailangang pisikal. Ever since he first made love with her he knew that it was one of the things he would love to do at any given time. Mahal niya ang asawa niya. At ipinapakita niya iyon hindi lang sa private moments nila kundi sa iba’t ibang paraan din. Napahugot siya ng hininga. Hindi siya nanunumbat. Walang-wala sa isip niya ang isumbat ang lahat ng ginagawa niya para sa asawa. He did everything for love. Wala siyang hinihinging kapalit. O siguro kung meron man, ang gusto niya ay maging maayos ang pagsasama nila. Dahil maayos naman ang simula nila ni Honey. Hindi man conventional ang love story nila ni Honey, ang maganda doon ay sa maayos sila nagsimula. Na pinag-uusapan nila ang mga bagay-bagay at malinaw ang lahat. Pero bakit parang lumalabo na ngayon? Hindi niya gustong ibunton ang sisi kay Daisy. Dahil kahit saan niya tingnan wala din namang kasalanan si Daisy. Maybe the blame must be put on him? Hindi rin niya sigurado. Parang hindi rin niya maamin na kasalanan niya. He never meant to make Daisy pregnant. Walang-wala sa plano nila ni Daisy na magkaanak sila dahil sa klase ng relasyon na meron sila. It was just a casual relationship. At nagkakaintindihan sila ni Daisy sa pinasok nilang relasyon. They had been together for quite some time. Kung sinadya nga nito na magpabuntis siguro ay noon pa nito ginawa iyon. Daisy knew how serious he was with Vera Mae. Naniniwala siyang kung gagamitin ni Daisy ang pagbubuntis para maitali siya nito, disin sana’y noon pa nito nagawa iyon. Naniniwala siyang hindi nito sinasadyang makapalya sa contraceptive pills nito. Hindi ganoon si Daisy. The baby was an accident. Wala nang iba pang paliwanag. Walang nagplano na magbunga ang akto nilang iyon. Daisy’s pregnancy came to him as a surprise. Isang sorpresang dumating sa hindi tamang pagkakataon. Pero kailan nga ba ang tamang pagkakataon para malaman niya ang tungkol doon? What if he had known about it earlier? Noong panahong hindi pa niya inaalok ng kasal si Honey? Aalukin pa ba niya ng kasal si Honey o malamang sila na ni Daisy ang kasal ngayon? Or aalukin nga ba niya ng kasal si Daisy dahilang buntis ito? Posible. Ginawa nga niya iyon kay Honey sa kabila ng… He made a tsk sound. Or what if he had not known about it yet? Pipiliin ba niyang malaman iyon kung kailan malaki na pala ang anak niya? There were so many what if’s on his mind. Pero hindi pa rin niya alam sagutin kung kelan nga ba ang tamang oras para madiskubre niya ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak. One thing was definite. Alam na niya ngayon ang tungkol sa magiging anak niya. At siguro ay hindi na rin niya dapat pag-aksayahan ng panahon na isipin pa ang mga ganoong bagay. And now that he knew about it, there was no turning back. Alam niya ang obligasyon niya bilang isang ama at wala siyang balak na talikuran iyon. At lalong wala din siyang balak na masira ang pagsasama nila ni Honey nang dahil lamang sa magiging anak nila ni Daisy. Gagawin niya ang lahat para maging balanse ang lahat. Alam niyang mas madaling isipin at sabihin kaysa gawin pero sigurado siya sa sarili niyang maging mahirap man ang sitwasyon, gagawin pa rin niya ang nararapat. And God knew how he wished Honey would understand him. Alam niyang si Daisy ang dahilan kaya nagkakaganoon si Honey. And God also knew how much he love his wife. Kahit kailan ay hindi niya binalak na saktan si Honey. Kung nasasaktan man ito ngayon ay hindi niya iyon sinasadya. Inubos lang niya ang isa pang stick ng sigarilyo at nagdesisyong bumalik na rin sa unit nila. At kagaya din kanina he freshened up himself. At nang hindi pa masiyahan at tuluyan na siyang nag-shower nang madalian. Ayaw niyang makalanghap si Honey ng anumang bakas ng sigarilyo sa kanya. Nang umakyat siya sa kuwarto ay hindi pa siya nagbihis agad. Ilang sandali pang tinitigan niya muna ang asawa mula sa kinatatayuan. Mahimbing na itong natutulog. Pero mababakas pa rin sa ekspresyon ng mukha ang lungkot. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at naupo sa bahagi nito ng kama. Nakita niyang may bakas pa ng luha ang mga mata nito. He touched her face lovingly. Naalimpungatan ito at nagtagpo ang kanilang mga mata. He smiled at her. “I love you so much, Hon. I’m sorry for making you feel this way,” sincere na sabi niya. Dinama ni Honey ang kamay niyang nasa pisngi nito. “No, d**k. Ako ang dapat na mag-sorry. I know I’m being unreasonable lately. Pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa nararamdaman ko. Pagpasensyahan mo na ako.” “Kaya natin ito, Honey. Hindi naman natin ito problema, hindi ba?” She sighed. “I cannot promise, d**k. Minsan sinasabihan ko din naman ang sarili kong hindi ako dapat mag-isip tungkol doon. Pero bigla ko na lang talagang mararamdaman ang ganito kahit na alam kong mauuwi tayo sa ganitong tampuhan--” “Ssshhh, okay iyan, Hon. Huwag na nating pag-usapan at baka kung saan na naman ito mapunta.” Yumuko siya dito at ginawaran ito ng halik. “Let’s just kiss and make up, Hon.” Sinakop ng mga palad nito ang magkabilang pisngi niya. Honey kissed him back with passion. Ito mismo ang nagbuka sa mga labi niya at mabilis nagpalalim ng halik sa pagitan nila. Kaagad na nagkaroon ng reaksyon ang katawan niya lalo at bumaba ang isang kamay nito sa pagitan ng kanyang hita. Damang-dama niya ito kahit na nakapagitan sa mga balat nila ang tuwalyang nakatapis sa kanya. “Honey…” halos daing niya. “Huwag mo akong pahirapan ng ganito kung hindi ka pa handa.” He was hard in an instant. Gusto niyang tanggalin ang kamay nito sa katawan niya pero mas gusto niyang naroroon iyon at dumadama. “I want you, d**k,” she said lovingly. “Make love to me. Make me feel how much you love me.” “Alam mong mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko, Mrs. Honey Montoya.” “I love you, too, mister.” Hinila nito ang tuwalyang tumatabing sa kanya. And then she was holding him again. Skin to skin. Tuluyan nang kumawala ang pagtitimpi niya. Inangkin niya ang mga labi nito at maalab itong hinalikan. Hindi kalabisang inubos nila ang magdamag sa mainit na pagniniig na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD