Chapter 10: Official

2073 Words
Third Person's POV Sari-saring ingay ang nangingibabaw sa Main Hall ng isang sikat na Barko sa Pilipinas. It was popular because it was owned by one of the famous business man in the Philippines. Ito ang araw ng pagtatapos ng mga nakatapos sa kolehiyo na pagmamay-ari rin nila. Pinag-uusapan pa din ang nasaksihan ng lahat, at bilang heredero, siya ang pinaka main topic sa buong hall. Pinag-uusapan kung sino ang babaeng hindi kilala at bakit ito kasama ng binata ngayon. They we're all curious. Nasa gitna sila ng pag-uusap ng biglang bumukas ang pintuan ng Main Hall. Lahat ay nagsitahimik ng makita nilang bumungad sa kanila ang numerong uno na pinag-uusapan ng lahat. Pakiwari mo ay may anghel na dumaan sa pagitan nilang lahat. Dahilan para magtakha ang dalawang tao na magkasama. “Dude, do you feel what I feel?” pagbibiro ni Aaron sa kaniyang kaibigan. Nilingon lamang siya ng kaibigan kasabay ng pagdiretso nito sa lugar kung saan ang puwesto nila. Napailing na lamang si Aaron kasabay ng paghabol niya sa kaibigan na mabilis maglakad. “Alam mo bang ikaw ang main topic dito sa buong cruise?” muling makulit na sambit ng binata sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay natigilan siya at napalingon sa kaibigan na madaldal. Tinitigan niya ito na pakiwari mo ay sinasabi niyang ituloy ang kaniyang sinasabi, nakuha naman ng kaibigan ang kaniyang ibig sabihin. “Kase binuhat mo si ganda, dinala mo pa sa kuwarto mo, iniisip ng lahat girlfriend mo siya. madaming naiinggit na babae, pogi mo e. Tsk,tsk,tsk.” makulit nitong pahayag sa kaniya. “So?” walang emosiyon na sambit ng binata. “Anong so-so, ka jan! Hoy, ang alam ng lahat kayo ni Zelle!” malakas na sigaw ni Aaron dahilan para magsilingunan ang lahat ng nasa paligid nila. Nahakot niya ang atensiyon ng lahat kaya naman ay mabilis siyang sinamaan ng tingin ng binata. Napakamot na lamang siya sa batok kasabay ng pagkagat niya sa kaniyang pang ibabang labi. “Tsk,” iyon na lamang ang sinambit ng binata sa kaniya. “So? Hindi mo talaga girlfriend si Zelle? Eh yung magandang babae? Kung hindi, ibigay mo na sa akin, mga tipo niya type ko e, balingkinitang na malaman, shet.” malibog na saad ng binata. Parang napantig ang pandinig ng binata sa narinig na pahayag ng kaniyang kaibigan. Mabilis niya itong nilingon at sinamaan ng tingin. Mabilis nangyari ang lahat at namalayan niya na lamang ang sarili na hawak-hawak niya ss kuwelyuhan ang kaibigan. “Don't you fuckin' dare, asshole...” madiin niyang sambit. Tila mo ay galit na galit,napasinghap ang lahat ng nasa paligid sa nasaksihan nila. Dahil kilala lang naman sila bilang magkadikit na magkaibigan, matalik at kasangga sa lahat. Si Aaron ang kababata niya, kasabayan niya sa paglaki. Kaya naman nagulat ang lahat sa inasta ni Dos sa kaniyang bestfriend. Napaubo ng sunod-sunod si Aaron na naging dahilan upang mabitiwan niya ang kuwelyuhan ng kaibigan. Mabilis niyang binitiwan ito. Uubo-ubo namang napahawak sa sariling tuhod si Aaron, habang namumula ang buong mukha, mukhang mahigpit ang ginawang pagsakal sa kaniya ng kaibigan. “A-Ano bang problema mo? Nagtatanong ako ng maayos dito, bigla bigla kang mananakal. The f**k dude?” inis na sambit ng binata sa kaniyang kaibigan. Napatigil siya saglit, ngunit hindi siya nagbitiw na kahit na anong salita. Ganito naman talaga ang personalidad ng binata kahit noon pa man, kaya nga nagtatakha siya dahil iba ang pakikitungo niya kay Stacy. Napailing na lamang ang kaibigan, batid niyang hindi 'yon sinasadya ng kaibigan dahil sa bad mood ito. “Huy, sino doon sa dalawa bet mo para maiwasan ko!” parang bata na maktol na saad ng binata sa kaniya. Napailing na lamang siya, wala ng mas kukulit pa sa kaniya. “Zelle and I we're just f**k buddies.” simpleng sagot niya sa kaibigan. Dahil batid niyang kung hindi niya ito sasagutin, mangungulit ito ng mangungulit, kaya once for all, binigay niya na ang sagot sa kaibigan. “Oh, the f**k? For real?” hindi makapaniwalang pagtatanong ng binata sa kaniya. “Do I look like I'm kidding?” seryosong tanong ni Dos sa kaniyang kaibigan. Napatulala na lamang si Aaron sa sinambit ng kaniyang kaibigan, hindi siya makapaniwala. He may be a playboy, pero that's it. Hindi siya naglalaro ng feelings ng isang tao o gumagamit ng tao. Sa nakitang reaksiyon ng kaibigan ay mahinang napaismid si Dos kasabay ng pagtalikod niya, any moment the ceremony will start. Samantalang naiwang nakatulala sa kawalan si Aaron dahil sa kaniyang narinig. ______ Magsisimula na ang ceremony ngunit nasa hallway pa din si Stacy, tumatakbo ng mabilis upang makahabol. Mabilis naman siyang nakarating bago pa man magsimula ang ceremony, kaya naman ay Malalim siyang napabuntong hininga. ____________ Stacy's POV “Before we end this special ceremony, first and foremost, I wanted to congratulate everyone, for successfully fullfiling one of your dream, you're officially a graduated student now. You can continue whatever your plans ahead on your future, I wish you all to be good and become a better person, and for all of you, the school prepared a ball. It will be tonight, so enjoy!” Sari-saring hiyawan at sigawan ang nangibabaw ngayon sa buong hall. Grabe, diko din naman expect na may ball pa. We're already official. Yes! I'm so proud of myself! Siguro naman deserve ko ang one week na pag stay dito, ay! Isang araw na pala ang nakalipas kaya anim na araw na lang meron ako. But still, mahaba-haba pa yon para ma enjoy ko ang pagiging free ko. Pagdaong nitong barko, back to reality na'ko, and worst is, wala pa akong naiisip na susunod kong gagawin, balak ko ngang tumambay muna sa bahay ng one year e, kaso naisip ko, sayang ang panahon. Ang panahon pa naman ay hindi nabibili at higit sa lahat, hindi nababalikan. Kaya kailangan kong mag isip-- “Hey,” “Ay Hey!” gulat kong sambit. Nasa gitna kase ako ng malalim na pag-iisip tapos may biglang susulpot sa harapan ko. Nanlalalaki ang mga mata ko at nakahanda na sanang sigawan ang kung sino mang poncho pilato ang nanggulo sa isipan ko. Ngunit kaagad din akong natigilan ng makilala ko kung sino 'yon. Dos... Kusang nasambit ng aking isipan, hindi ko na lamang iyon isinatinig, baka kung ano pang ipakahulugan niya. “H-Hey...” nauutal kong sambit. Kahit anong pilit kong patatagin boses ko, hindi ko magawa dahil hanggang ngayon nanginginig pa din ang buong kalamnan ko sa gulat. “Lutang ka yata? Anong iniisip mo?” pangungusisa niya. “Nah, wala 'yon.” pagtanggi ko. Sandali ko siyang tinitigan,bigla akong napatawa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, he has this looks na, 'We? For real.' “Pfft... What?” pigil ang tawa kong sambit. “Seriously, Bonita? Hindi ka magaling magsinungaling, 'cause your face telling it all. Your emotions is well written on your face, see for yourself in the mirror and you'll know what I mean.” Napakunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya. “You are too easy to read,” sambit pa niya. “Hayaan mo na, ako nga hinayaan ko nalang e.” sambit ko sa kaniya kasabay ng pagtalikod ko. Aaminin kong magugustuhan ko pag malapit siya, pero delikado... Ngayon pa nga lang na magkausap kami, ramdam na ramdam ko ang bawat death glare ng mga babae niya, akala mo anytime papatayin ako e, sa sama ba naman ng tingin nila. “Where are you going by the way?” pangungulit niya pa. “My room, maghahanap ng masusuot,” “So... You'll attend too?” “Yep, minsan lang 'yon puwedeng mangyari sa buhay ko, ayokong palampasin. Baka mamaya pagsisihan ko pa na sana pala ganito ganiyan, nako. Ayoko ng gano'n.” irita kong sambit. And out of sudden, he began to laugh his ass off, he laughed harder, well he was holding his tummy as he laugh. Buang na talaga ito. “Huy!” sambit ko sa kaniya ngunit hindi niya ako nilingon, abala siya sa pagtawa. Napailing na lamang ako, kasabay ng pagtalikod ko sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya. ____________ “Ma! Ano bang maganda?” muli kong pagtanong kay mama. “Hay nako anak! Pang ilang beses mo na bang tanong 'yan ha? Paulit-ulit ka. 'yung pula nga!” inis na sigaw ni mama. Pfft. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinambit ni mama, kase totoo naman na paulit-ulit ako. Hindi ko alam kung pang ilang beses ko na bang naitanong sa kaniya kung alin ang maganda. “Ih mama naman e,” nakanguso kong sambit kasabay ng pag baba ko ng gown na hawak ko, kasabay ng pag-upo ko sa kama. Itinapat ko ang cellphone sa akin, magka video call kase kami ni mama ngayon. Kaunting oras na lang at magsisimula na ang ball. 10PM ang start ng ball, alas otso na, pero wala pa din akong napipiling damit. “Suotin mo na 'yung pula anak, bagay na bagay sa iyo, sayang lang at wala ako riyan...” “Sure ka,ma?” panigurado ko pang sambit. “Oo naman, sa totoo lang kahit alin naman riyan ang suotin mo e, bagay pa rin sa'yo. Maganda kase ang kutis ng balat mo, maputi. Lahat ng damit bagay sa iyo, 'yon nga lang nasa pagdadala 'yon. Nakadepende pa rin sa nagsusuot.” payo ni mama. Hindi man halata ngunit madaming alam si mama about sa fashion, nangangati nga ako magtanong pero mas pinipili ko nalang ang manahimik, hayaan ko siyang mag open-up sa'kin. “Lakad na, kumilos ka na. Simulan mo na, matagal mag-ayos, mayro'n ka nalang halos isa't kalahating oras sa pag-aayos, wag mong sayangin.” “Ma...” “Mag enjoy ka jan anak, deserve mo 'yan. Kalimutan mo na muna ang lahat ng problema natin, pansamantala kang magliwaliw at magsaya ng walang ibang iniisip. Do whatever you want, if that's will make you happy. Don't hesitate to do it. I trust you.” sambit ng aking ina. Tignan mo at umi-english ang aking mama. “Ma naman e, nag-i english kana naman.” maktol kong sambit. Napatawa na lamang siya, “Natutuwa lang ako anak, naalala ko kase noong kabataan ko, though I'm not that old, pero nakakamiss rin maging buhay dalaga...” nakangiti niyang sambit. Sandali akong napatitig sa kaniya. It's like... Inaalala niya kung ano ang nakaraan niya. Masaya ako, dati kase wala naman siyang nababanggit na ganiyan. It's too sensitive for her, if it's involved about my father, pumipreno na ako, muntik ng mabaliw si mama noon. At ayoko ng lahat ng makakapag paalala ng kahit na ano sa kaniyang nakaraan. “Sige ma, mag aayos lang ako. Tatawagan nalang po kita bukas,” “Sige anak, mag iingat ka riyan, at huwag kalimutang mag-enjoy, okay?” Sunod-sunod na lamang akong napatango sa mga sinambit niya. Binaba ni mama ang call, kaya naman ay nagsimula akong mag-ayos. ____________ One and half hour after... Matagal akong nakatitig sa salamin, suot ang gown na pinili ni mama na suotin ko ngayon, kaya din kase ako nag aalangan ay medyo revealing ang gown na ito. Back less kase, tapos 'yung dibdib ko, ipit na ipit. Minsan nakakainis pag malaki ang hinaharap. Inaayos ko ang damit ko, sinisigurado na sa bawat galaw ko ay walang masisilip na bataan at bundok. Nang masiguro ko na wala ay nalipat ang tingin ko sa aking mukha, light make up lang ang in-apply ko. Nang makuntento ako sa aking hitsura ay kinuha ko ang heels na gray sa gilid. Lahat ng ito ay sponsored ng school, nakalagay mismo sa mga closet, malaya kami na suotin ang lahat. Para sa amin talaga. Grabe napakayaman lang ng may-ari nito. Nang masuot ko ang heels ay nagpasiya akong lumabas na at pumunta sa Main hall, doon din kase gaganapin ang ball. It's a masquerade ball, kaya naman kinuha ko ang mascara na napili ko, binagay ko kase sa gown na suot ko. Hapit na hapit ang suot kong gown kaya naman visible sa lahat ng tao ang kurba ng aking katawan. Kung sa pagandahan lang at pasexy-han, may ilalaban naman ang sarili ko. Napangisi ako ng maramdaman ko pagkapasok na pagkapasok ko ay ang atensiyon ng lahat. That only one thing. I'm gorgeously attractive tonight! At ngayong gabi rin, I'll live my life to the fullest! I'll do whatever I want! To be Continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD