Stacy's POV
Matapos ng pag uusap namin ni mama, hinarap niya si Dos.
At ngayon nga ay kasalukuyang nasa harapan namin si Dos habang nasa tabi ko si mama.
Pakiramdam ko ay naging bata ulit ako ngayong nakapag open-up ako sa aking ina.
“So, Hijo... Anong plano mo?” diretsahang pagtatanong ni mama.
Hindi na strict ang tono niya ngunit nando'n pa rin 'yung pagiging mataray. Ganyan talaga siya, kaya nga hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Dos or hindi.
“P-Pakakasalan ko po si Stacy...” nangingig ang boses niyang sambit.
Napakagat labi ako sa narinig, pfft... He looks so cute.
Maging si mama ay napataas ng kilay, hindi din kase makatingin ng diretso si Dos.
Nasa ganoong pag iisip ako ng bigla siyang tumunghay, bigla akong nagulat.
“Mawalang galang na po, madam,” paunang sambit niya kasabay ng pagtitig niya ng diretso sa mata ni mama. Maging ako ay nagitla, kanina lang kase natatakot siya.
Bakit tila yata sinapian siya lakas ng loob? Kakagulat naman siya.
Sandali niya akong tinapunan ng tingin.
“Mahal ko po ang anak niyo,”
Sandali akong nawalan ng hangin sa katawan sa narinig, na para bang sandali ako tinakasan nito.
Nahigit ko ang aking paghinga nang marinig ko iyon, my heart skip a beat for a seconds, na para bang sandali ring tumigil ang oras.
“I love her more than anything, and I just realized it now. I don't want to lose her, nor our baby... I love them both, my life would be meaningless if they're gone.”
“D-Dos...”
Sandali siyang tumayo at hinawakan ang mga kamay ko, hindi ko na maintindihan sarili ko at nagpatianod na lamang sa kaniya.
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at mahigpit rin iyong pinagsiklop.
“Ayoko pong bitiwan itong mga kamay na ito, nais ko pong mahawakan ng mahigpit at hanggang pagtanda po, madam... Kung inyo pong mamarapatin, nais kong hingiin ng pormal at maayos ang kamay ng inyong anak.”
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, ngunit naramdaman ko na lamang na tumulo na ang luha sa aking mga mata.
Isa lang masasabi ko habang nakatitig ako sa kaniya. I love this man so much, at hindi ko kakayanin kung mawawala pa siya sa buhay ko lalo't naramdaman ko ang pakiramdam kapag kasama ko siya.
Kakaibang saya at hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya, walang salita ang sasapat para masabi ko ang nararamdaman ko.
“Humihingi ako ng paumanhin kung hindi kami nakahingi ng basbas at permiso ninyo, noong kami ay nagsisimula pa, maniwala po kayo sa hindi, masyado po kaseng nag kumplikado ang lahat nung nagsimula kami ni Stacy, ngunit nais kong bumawi sa lahat, dahil alam kong kahit na anong gawin at sabihin ko, hindi niyon maiaalis ang katotohanang nasaktan ko ang anak niyo.”
“...”
“Inaamin kong hindi ako perpektong tao at nagkakamali, ngunit nais kong matuto at lumawak ang aking kaalaman kasama ang anak niyo, through the lows and ups, I want her to stay by my side, habang ini-improve ko ang sarili ko, habang ginagawa kong mas better person ang sarili ko, gusto kong nasa tabi ko lang si Stacy...”
“Dos...”
“I can't imagine my life without her, madam, so... Kung inyo pong mamarapatin, nais ko pong makasama sa iisang bahay si Stacy at nais ko siyang maging asawa...”
Maging si mama ay napatulala sa kaniya, kita ko ang pangingilid mg luha sa mga mata niya habang nakatitig sa mga mata ni Dos.
Dahan-dahan siyang lumapit sa amin, dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Dos at nangingilid ang luhang napatitig sa kaniya.
“P-Pumapayag ako...” emosiyonal na sambit ni mama.
Kaya naman ay para bang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib, sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa tuwa, kakaibang saya ang naramdaman ko.
Para bang nawalan ng pabigat sa aking dibdib.
“Ma...”
Sandaling umalpas ang luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig pa rin kay Dos.
“I-Ikaw ng bahala sa aking prinsesa, nag iisa ko lang siyang anak na babae, Hijo... Kaya't maunawaan mo sana kung bakit ako ganito, alam kong nasa hustong edad na ang aking anak ngunit, ang sumagi sa isip ko na mg asawa siya at hindi ko na siya makakasama gaya ng dati, naghatid iyon ng kalungkutan sa aking puso.”
“M-Ma...”
“Mahal na mahal ko ang anak ko, Hijo... Sila ang nagsilbing ilaw ko 'nung mga panahong dumaan ako sa kadiliman, sila ang naging inspirasyon ko para malampasan ko ang lahat ng pagsubok at problema, they saved me, binigyan nila ako ng rason para magpatuloy kahit sukong-suko na ako...”
“....”
“Kaya maintindihan mo sana kung bakit parang hirap akong pakawalan sila, syempre, anak ko sila e... P-Pero huwag kang mag alala,kung napapasaya mo naman ang aking anak, at kung talagang masaya siya sayo, sino ako para hadlangan kayo?”
“P-Po?”
“Ma...”
“Basta ingatan mo siya at mahalin mo siya, gaya ng pagmamahal at pag iingat ko sa kaniya...”
“M-Madam...”
“Tawagin mo na lamang akong mama,”
“P-Po?”
“Magiging anak na rin kita, ngayong pakakasalan mo ang aking anak.”
Pareho kaming napatulala ni Dos sa isa't isa, hindi namin alam ang dapat na maging reaksyon.
“I give you my blessings, just please, don't hurt my daughter, if you must, pakisauli na lang siya sa akin...”
“Ma...”
“Ayokong makitang umiiyak ang anak ko ng dahil sa iyo, dahil ako ang una mong makakalaban, minahal at inalagaan ko ng tama iyan, ayokong makakakita na masasaktan at umiiyak ang anak ko ng dahil sa'yo, dahil kung hindi...”
“B-bakit ko naman po sasaktan ang babaeng mahal ko?”
“Exactly. Minsan akong nalagay sa situwasyon kung nasaan ang aking anak ngayon, alam ko ang pakiramdam mo anak, ngunit hindi ko naman sinasabi na kung anong nangyari sa akin ay ganoon din ang mangyayari sa iyo, kaya pinapaalalahanan kita, Hijo,”
“O-Opo...”
“Kung alam mong masasaktan mo siya, isauli mo na lamang siya sa akin, dahil mas mamahalin ko siya kahit pa magkanda kuba kuba ako, kaya kong buhayin ang anak ko.”
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa narinig, si mama kase 'yung tipo ng tao na hindi sweet at hindi showy, hindi rin siya vocal, pero pinapakita niya naman sa kilos at gawa niya kung gaano niya kami kamahal.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at mahigpit kong niyakap si mama, umiyak na ako kanina, pero hindi ko alam kung bakit naiiyak na naman ako.
“I love you, ma...” hindi ko napigilang sambit.
Napakagaan sa pakiramdam, napakasarap sa pakiramdam na wala kang dinadala pasanin at alalahanin sa isipan mo.
Napakasarap huminga ng maluwag.
________
Natapos ng maganda ang pag-uusap namin, at kasalukuyan ay kumakain kami sa hapag kainan.
“Ito Hijo, kumain ka pa, alam kong pagod ka, galing ka pa siguro sa trabaho.”
Napangiti ako ng makita kong sinasandukan ni mama si Dos ng kanin at ulam, talagang naghanda siya kahit hindi niya kilala ang bisita ko.
Pero alam niyang importante ito.
“Naku tita, busog--”
“Anong busog ka riyan? Kakaunti pa lang ang nakakain mo, nakikita ko ang bawat pagsubo mo, kakaunti,”
Napakamot na lamang sa ulo si Dos kaya naman ay napalawak ang pagkakangiti sa aking bibig.
Sandali akong nilingon ni Dos, tinaasan ko siya ng kilay, 'cause he's murmuring something but I can't hear what is he saying.
I mouthed, 'what.'
At nabasa ko sa kaniyang labi ay, 'Help.'
Kaya naman ay napatawa ako at iniiwas ang paningin sa kaniya. Bahala siya jan, pfft. Hahaha.
“At saka diba Hijo? Sabi ko sa'yo, tawagin mo akong mama.”
Hindi ko na napigilan ang mapatawa ng malakas, haha. Ang lakas ng trip ng nanay ko.
Kala ko sa amin lang siya ni Ryxsz ganito, pfft. Pero nakakatuwang isipin na ganito ka kakumportable si mama sa kaniya.
“Pero po--”
“Ay naku, walang pero-pero, call me 'mama'” makulit na sambit ni mama.
Hindi namin mapigilan ni Ryxsz na mapatawa sa reaksiyon niya, kanina pa siya namumula sa hiya.
He's staring at me and I can't help but to laugh harder 'cause he's eyeing me, habang nginunguso niya si mama.
Sunod-sunod na lamang akong napailing, pfft serves him right, akala niya siguro nakalimutan ko ang pagiging late niya.. tsk. Buti nga sa kaniya. Pfft.
Hahaha!
Pfftt, bigla akong naawa sa hitsura niya haha.
“Come on, Hijo, say it.” pangungulit pa ni mama.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what, kase hindi naman ganito si mama, actually siguro natutuwa lang siya dahil bukod sa kaibigan kong bakla at mga katrabaho ko, wala na akong ibang tao na nadadala rito, kase sila lang din naman ang nakakasama ko palagi e.
Madalas mag isa ako.
Sandaling napakamot ng ulo si Dos,“M-Mama...”
Hindi na talaga namin napigilan ni Ryxsz na mapahagalpak ng tawa, hahaha!
Grabe, pfft!
He's so funny!
Nakakatawa naman kase talaga ang reaksiyon niyang halata mong napilit, pfft!
“M-Ma... Pfft, haha! T-tama na... Unang araw pa lang dito ni Dos, huwag mong torture-in kaagad.” sambit ko habang nagpipigil ng tawa.
Sandali akong tinitigan ni mama, kaya naman ay mabilis akong napatahimik. “Hindi ikaw ang kausap ko, tumahimik ka riyan.”
Napakagat labi ako, kita mo yan? Ganyan siya sa akin pero sa iba ang sweet tsk.
“Sabi ko nga e,”
“Baliw kana talaga anak no? Panay tawa mo jan, dinadamay mo pa kapatid mo.”
“Ma naman,”
“Oh bakit? Sususo ka?”
Hindi ko alam kung tatawa ba ako or what e, kase ang sungit niya sa akin parang kanina di umiyak sa harapan namin pfft haha.
Sa pagkakataong ito ay si Dos naman at Ryxsz ang tumatawa sa akin.
Anak ng!
________
”Mama, maraming salamat po sa pagkain, nabusog po ako ng sobra.” magalang na sambit ni Dos.
Pfft. Natatawa pa din ako pag binabanggit niya ang salitang mama.
Halatang hindi sanay e.
Palibhasa mayaman, tawag sa mama niya ay mom. Hahaha.
Kasalukuyan kaming nasa harapan ng bahay at nagpapaalam si Dos, tapos na kase kaming kumain at malalim na rin ang gabi.
“Dito ka nalang kaya matulog, anak?” biglang pagtatanong ni mama sa kaniya.
Kita kong napatulala si Dos sa sinambit ni mama.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what sa nakikita kong reaksiyon niya.
Para kase siyang bata na paiyak na.
“Oh bakit parang iiyak kana riyan Hijo? May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?”
Sunod-sunod naman siyang napailing, “W-Wala naman po, pero nakakabakla pong pakinggan... Pero kakaiba po kase 'yung pakiramdam ko sa tuwing tinatawag niyo po akong anak kahit ito pa lang ang unang pagkakataon na nagkita po tayo...”
“Hay nako, magkaka anak na nga kayo ng anak ko e, ano pang masama kung tawagin kitang anak? Eh magiging anak na rin kita... Kaya masanay ka na...”
“Mama...”
Mabilis na yumakap si mama sa kaniya para aluhin siya, para siyang bata talaga haha.
“Ita trato kita sa kung paano mo itrato ang aking anak, nakikita ko naman na inaalagaan mo siya, kita mo nga naging baboy na.”
“Ma!”
“At bakit? Ang taba taba mo na oh.”
“Ma naman e!”
“Tsk, anak wala namang masama kung aamin ka sa sarili mo.”
Napatawa naman si Dos kaya naman siya ang sinamaan ko ng tingin kaya mabilis rin siyang napatigil.
“O sige na, malalim na din ang gabi, kung hindi kita mapipilit na matulog rito ay lakad na at lumarga ka na, mag iingat Hijo, okay? Pakakasalan mo pa ang anak ko, ayoko namang magaya sa akin ang anak ko na mabyuda gaya ko.”
“Maraming salamat po, mama...”
“Walang anuman anak, bumalik ka rito muli at ipagluluto pa kita ng madaming putahe, ano ba ang paborito mo?”
“Talaga po?”
“Oo naman,”
Sandali akong gumitna sa pagitan nila, aba't may nagaganap yatang favoritism ang nanay ko.
“Ma!”
“Oh?”
“Baka nakakalimutan mong ako ang anak mo!” tantrums kong sambit.
“Oh eh ano?”
“Ma naman...”
“Di ka ba nagsasawa sa pagmumukha ko nak? Ilang taon mo na akong nakasama oh.”
Napanguso ako.
Naramdaman ko na niyakap ako ni Dos at hinila palayo.
“Puwede ko po bang mahiram ng isang gabi si Stacy, Ma?”
Bahagya akong nagulat sa narinig, maging si mama ay hindi iyon inaasahan.
“Nais ko pong ipakilala siya sa pamilya ko, bukas, kaya...”
“Walang problema, Hijo... basta isasauli mo siya sa akin habang hindi pa kayo kasal,”
“Maraming salamat po, Ma...”
Napanganga na lamang ako.
To be continued....
K.Y.