Chapter 22: Pregnant part 2

2085 Words
Stacy's POV “I say f**k it when I feel it, 'cause no one's keeping tally I do what I want who I like.” Malakas kong pagsabay sa kantang pinapatugtog ni Dos sa radyo, kanina pa kami nagkukulitan sa sasakyan, matapos naming pumunta sa Convinience store, ganito ang naging eksena namin. Nagkukulitan, habang ako ay nagko-concert, sinasabayan ko ang kanta ng black pink. Habang siya naman ay natatawa habang nagda drive, hindi niya siguro lubos akalain na 'yung babaeng akala niya ay mahinhin, ito nagtatarantado sa passenger's seat. “I'm that typa girl, I'm that typa girl I'm that typa girl, I'm that typa girl Like du-du-dun, du-du-du-dun Like du-du-dun, du-du-du-dun.” Kanta ko pa kasabay ng pagyugyog ko ng aking ulo. Kita ko ang pag-iling niya. Pfft, siguro kinakahiya niya na ako. Hahaha. Hindi ko siya pinansin at sinabayan ang pag-rap ni Lisa. Third Person's POV Halos hindi mapugto ang ngiti sa mukha ng binata. Hindi niya maitanggi na walang minuto na hindi siya naging masaya sa piling ng dalaga. Hindi niya nga lubos akalain na nakakaramdam siya ng ganitong kasayahan, dati naman wala siyang pakielam sa mga date-date na 'yan, ngayon siya na ang mas nag-aaya. And he can't dent the fact that he's enjoying dating her. Muli siyang napatitig sa babaeng kasama niya na ngayon ay sinto-sinto dahil sa kanta. But one thing he'd realize, He loves her and he'll do anything for her to make her happy. He wanted to start a new life with her, walang toxic o kahit na ano. Napa-iling na lamang siya ng sunod-sunod ng masaksihan niya kung paano mag head bang ang dalaga, halata mo na ini-enjoy ang kanta. Napatawa na lamang siya. Kasabay ng pagtigil ng kanta ay nakarating sila sa lugar kung saan siya nag book ng reservation for their date. “We're here,” sambit niya sa dalaga. “Huh? Agad?” lutang nitong sambit. Dahilan para mapahalakhak na naman ang binata, everything she does makes him laugh so hard, you'll feel genuine reaction towards her walang bahid ng pagka plastic or kahit na anong ka OA-han. “Pfft... Masiyado ka kaseng abala sa pag-concert mo, nakalimutan mong nasa kotse tayo, wala sa concert ha?” “Tsk, ano naman?” masungit na saad ng dalaga. Napailing na lamang ang binata da naging reaksiyon ng dalaga, ang mood swings talaga nito ay kakaiba ngayong araw. “Let's go,” pag-aya ng binata. Kasabay ng pagbaba niya, mabilis siyang umikot kasabay ng pag-alalay niya sa pagbaba ng dalaga. Lahat ng tao sa lugar na iyon ay naagaw nila ang atensiyon, dahil sa paraan ng pagtrato niya sa dalaga, lahat ng babae ay namuso ang mga mata, they wanted to experience a princess treatment too. Lahat ay naiingit sa babaeng kalalabas lang ng sasakyan. Hindi naman pribado ang lugar, nagpa reserve lang ang binata sa isamg silid ng restaurant. Isa itong sikat na kainan sa lugar na ito, malaki at mahaba rin ito, hindi na nag abala pa magpa reserved ng buong restaurant ang binata. Tama na ang espasyo na magiging maaya sila. “Wow... Ang ganda naman rito.” namamanghang sambit ng dalaga. Napangiti na lamang ang binata,“Do you like it?” curious nitong tanong. “No... I love this place, Dos... Thank you... Alam mong gustong-gusto ko sa mga ganitong lugar,” halos manubig ang mata ng dalaga ng makita niya ang kabuuan ng kagandahan ng lugar. Gaya dati, nasa itaas sila ng bundok, nasa tuktok ang restaurant na ito. Mga ganitong lugar ang gusto ng dalaga at iyon ang napansin ng binata. Observant na tao ang binata, kung kaya't kahit na isang beses pa lang ay nabatid niyang mahilig sa ganitong lugar ang dalaga. Kaya nga dito niya dinala ang dalaga. “Let's go? Shall we?” nakangiting pag-aya ng binata sa kaniya. Ngiting-ngiti siyang umabreseta sa kamay ng binata, napangiti na lamang sila pareho. Kasabay ng pag-akyat nila, hanggang sa makarating sa kanilang pina reserved ay talaga namang nalula sa ganda at taas ang dalaga. “Dos...” hindi makapaniwalang sambit ng binata. “Hmmm?” “Thank you so much, I genuinely appreciated it. Your effort, everything... Thank you, baby...” “Basta para sa ikasasaya ng Bonita ko, I'm ready to do anything for you.” She slowly leaned on and gave him a peck on his lips, ngunit dahil hindi uso ang peck sa binata ay hinila niya ang dalaga at muling hinalikan. This time, it's a love kiss. Napangiti na lamang ang dalaga kasabay ng pag response niya sa halik ng binata. Masaya ang dalaga sobra, ngunit may bigat sa dibdib niya, hindi niya magawang maging masaya ng lubusan. Dahil may dinadamdam siyang bigat sa kaniyang dibdib. A tear escape from her eyes. “Why are you crying?” takhang tanong ng binata. “Nothing, baby... I'm just happy. This tears are tears of joy, don't mind it.” “Bonita...” “Sobrang saya ko Dos, to the point na natatakot na akong maging masaya,” “Bakit ka naman natatakot?” “Kase alam ko doble 'yung sakit at lungkot na kapalit ng kasayahan.” “Bonita...” “I can't explain why, but I feel uncomfortable being happy, don't I deserve this?” Dos hugged her tight as he could. “Shhh, ano bang mga pinagsasabi mo, Bonita?” “D-Dos...” “Shhh... We're here to have a date and be happy. I wanted you to be happy, every single day that I'm with you, at kahit wala ako.” Nanunubig ang mga mata ng dalagang napatitig sa kaniya. “Hindi mo ako iiwanan?” “Bakit ko naman gagawin 'yon?” “Hindi mo sinagot...” “Of course, Bonita. Hindi kita iiwanan.” “Whatever happens?” “Whatever happens.” “Promise?” “I promise.” “Okay... I love you, Dos...” Sandaling napatitig ang binata, he's not yet ready to say it. “I-I--” “Shhh, you don't need to force yourself, I understand as long as I feel that you love me... That's more than enough.” “Bonita...” “Let's go, let's eat. Sayang naman itong mga pagkain na nakahain kung puro drama tayo.” Sandali pang napatitig ang binata sa kaniya. Ngunit kaagad rin siyang tumango. “Alright...” __________ Stacy's POV “Ayaw mo talaga akong makatabi?” makulit na sambit ni Dos. Sunod-sunod akong napailing, haha, kanina pa siya nangungulit, gusto niyang matulog dito sa Studio na binili niya. Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya, pero gusto kong mapag-isa muna. Ito lang ang alam ko na magkakaroon ako ng oras sa sarili ko para gawin ang gusto ko. I wanna try using Pregnancy Test, I wanna confirmed myself if I'm pregnant or not, saka ko balak sabihin sa kaniya. Ayokong magpadalos-dalos lalo't nakataya dito ang relasyon namin ni Dos. “Sige na, ngayong araw lang naman Dos... Bukas kahit araw-araw kana matulog rito--” “Bakit ba kase ayaw mo akong matulog dito? Eh sa gusto kitang katabi e. Sinanay mo ako na palaging ikaw katabi ko tapos biglang ayaw mo?” Napakagat-labi ako. “Hindi naman sa ayaw, nagtatakha na rin kase si mama... Mamaya baka pumunta rito iyon, hindi pa kita naipakilala ng maayos.” “Then let's go wait for her--” “Dos,” “Bonita naman kase e, ayoko matulog sa condo ko.” “At bakit? Siguro may babae ka 'no?” nakataas kilay kong sambit sa kaniya. Natigilan siya at napatulala, pfft. Joke 'yon e, bakit niya ba siniseryoso? “Pfft... It's a joke, di ka na nakagalaw jan? Siguro... May babae talaga 'no?” pang-aasar ko pang sambit sa kaniya. “Tsk, wala 'no.” yamot niyang sambit. Napakunot noo ako. Why do I feel like he's hiding something from me? “Sige na nga, basta ngayong gabi lang ha?” parang bata na sambit niya. Napalis sa isipan ko ang pagdududa at napangiti ng malawak, sa wakas! Yes! Bwahaha! Hindi ki napigilan ang matuwa ng sobra dahilan para kumunot ang noo niya. “Nagbago na isip ko, dito na ako matutulog.” “Hala? Hoy Dos! Wala ng bawian! Nasabi mo na e!” “Bakit tuwang-tuwa ka na hindi ako matutulog rito? May dadalhin ka bang lalaki mo rito?” Malakas akong napatawa sa sinambit niya. ”Pfft... Lalaki your ass, aanhin ko 'yon? May tite ka naman. Saka mahal kita. Di ko need ng ibang lalaki, one is enough for me, saka isa pa, sakit lang 'yan sa ulo e. Ayokong sumakit ang ulo ko 'no.” “Hmmm? Talaga lang ha?” Napatawa ako habang naiiling na lamang. “Lakad ka, kung gusto mo tomorrow morning punta ka dito agad ipagluluto kita.” “Talaga?” “Yeps,” “Sige, Bonita ha. Usapan yan!” Natawa na lang ako, si Dos na nagpapababy na naman. Muli akong lumapit sa kaniya kasabay ng pagyakap ko sa kaniya ng mahigpit. “I love you, Dos.” sambit ko. Sa totoo lang kusa na iyong nalabas sa aking bibig, hindi ko alam kung bakit parang naka program iyon sa aking isipan. “I love you...” nagulat ako ng bigla siyang mag response. Para akong natuod sa aking kinatatayuan. Hindi ko magawang gumalaw dahilan para maramdaman ko ang pagtawa ni Dos. “Pfft, sige na pumasok ka na.” malumanay niyang sambit kasabay ng paghalik niya sa aking noo, he then hug me for the last time before he go away. Samantalang ako ay napatulala na lamang sa kawalan. Nakaalis na siya't lahat-lahat ngunit ako ay nanatiling nakatulala. My heart is beating so fast, may sakit na ba ako? I don't want to end this, not now that I've experienced the feeling of being in-love. Napakasarap magmahal, 'yung tipong kahit wala kang kasiguraduhan, sige-sige ka pa din, 'yung tipong walang eksaktong dahilan, basta mahal mo lang siya. Mapait akong napangiti kasabay ng dahan-dahan kong pagsara ng pinto. Pagkasara ko ng pinto ay doon ako napaupo, napasandal ako sa pintuan upang doon kumuha ng lakas, I can't pretend anymore. Kaya naman ay hinabol ko ang aking paghinga, kasabay ng pagyuko ko. Huminga ako ng maraming beses saka ko napagpasiyahan na tumayo, there's no time for me to waste any minute. Kaya naman bitbit ko ang binili kong Pregnancy test, mabilis akong dumiretso sa CR. Sakto at nakikisama ang aking katawan, naiihi ako. Kumuha ako ng tabo, hindi ko naman alam kung paano gumamit ng PT e, kaya naman doon na ako umihi. It's gross but what choice do I have? Wala. Walang makakatulong sa akin, not unless gusto ko ng katulong, edi may ibang makakaalam, kung may makaaalam man, delikado. Binasa ko ang instructions sa likod ng PT at sinunod iyon. Tatlong PT ang inilabas ko at pinatakan ng aking ihi ayon sa instructions. I' need to wait for five minutes, in able for me to get the results, kaya naman kahit nangangati ang aking mata ay hindi ko siya tinignan. Nagpabalik-balik ako ng paglalakad sa CR habang nagaantay. Bakit parang ang tagal naman yata ng limang minuto? Patingin-tingin ako sa aking relos, sobrang bagal talaga ng oras. Nakakainip. Pinaghalong kaba at takot at namumuo sa aking dibdib. Napabuga ako ng hangin. Kinakabahan talaga ako... Bahagya pang nanginig ang aking buong katawan. Maya-maya ay lumipas ang limang minuto. Kaya naman ay kinakabahan ako at dahan-dahan na sumilip. Pag tingin ko sa isa ay two lines... Fuck... Pag tingin ko ulit sa isa, Two lines again... And for the last time... Mariin akong napapikit ng makita kong dalawang linya rin. Three f*****g Pregnancy test, and the results is the same. Nanginginig ang kamay kong napahawak sa pregnancy test... Dang it, Confirmed. I'm f*****g pregnant. Ano nang gagawin ko ngayon? Nanghihina akong napaupo sa ibaba mg sink, at nanginginig ang buong katawan, hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot ako... Namalayan ko na lamang ang sarili ko na humihikbi at nakahawak sa aking tiyan. May nabubuong buhay sa aking sinapupunan, Hindi ko alam ang gagawin ko, pinapangunahan ng takot ang buong pagkatao ko, paano ko sasabihin kay mama? Kay Dos? May pangarap pa sa'kin si mama, maging si Dos... May mga mas dapat pa siyang unahin. Natatakot ako na baka iwanan niya ako... H-Hindi ko kaya. I can't imagine my life without him. Mariin akong napapikit at hinayaan na dumaloy pababa ang luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata, I wished I was dead instead. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD