Chapter 9

1361 Words

Medyo malungkot si Aarah nang araw na iyon dahil matumal ang naging paglalako nila ni Nanay Marie. Mas marami ang tirang biko kaysa sa mga naibenta nila. At kailangan nila iyong ubusin para hindi masayang. Hindi kasi sila nagtitinda ng bahaw para hindi madismaya ang mga suki nila. "Biko pa rin po ang hapunan natin, ate?" malungkot na tanong ng bunsong kapatid ni Aarah na si Ren-Ren, nang makita ang hinahain niya para sa hapunan nila. "Ito rin po ang almusal at tanghalian natin kanina, ah." "Ngayon ka pa magrereklamo, eh, araw-araw naman tayong nag-aalmusal ng biko," sabat naman ng panwalong kapatid ni Aarah na si Marina. "Wala namang bago. At ang sarap-sarap kaya." "Pero almusal lang," malungkot pa ring reklamo ni Ren-Ren. "Tapos kung pananghalian man, may kasamang ulam. Hindi 'tulad ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD