Chapter 25

1236 Words

"Halos buong pamilya mo ay nabilhan mo na ng pasalubong. Pero ni isa ay wala ka pang nabibili para sa sarili mo," sabi ni A pagkatapos nilang bumili ng mga gamit para sa kaniyang mga pamangkin. Lahat nga ng pamilya ni Aarah ay nabilhan na niya ng pasalubong. Bawat isa ay pare-parehong tiglilimang paper bag. Ilang baggage counter na rin ang pinagbilinan nila ng mga iyon. At natutuwa si Aarah kay A dahil hindi niya ito nakita o narinig na nagreklamo. Game na game pa itong tumulong sa pagpili ng mga gamit para sa mga kapatid niyang lalaki. Ang ganda rin ng takbo ng pagsasama nila. Kahit sandali lang ay hindi talaga sila nag-away. In fact, puro sila kuwentuhan at kulitan kaya hindi nila namalayan ang oras at pagod. Nalaman ni Aarah na masarap palang kausap si A at totoong may sense of humor.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD