Chapter 53

2228 Words

Kinabukasan, sa sobrang sama ng loob dahil sa nangyari sa kanila ni A, pumayag si Aarah na makipag-inuman kina Erin at sa iba pa nilang mga kaibigan. "Doon na lang tayo sa inyo, Uging. Masama kasi ngayon ang timpla ni Nanay, eh," sabi ni Erin sa katropa nito habang naghahanap sila ng lugar na pag-iinuman. "Tatlong araw na kasing sunod-sunod na talo sa mahjong. Baka masabon pa tayo." "Walang problema, repa. Kaso nasa bahay ngayon ang asungot kong pinsan kaya sa bakuran tayo pupuwesto," tugon ni Uging. "Okay lang ba sa inyo?" "No prablem ako," mabilis na sagot ni Erin. "Kayo, mga tol?" baling ni Erin sa kanilang dalawa ni Ferlyn. "Geym din ako," sabi rin ni Aarah. "Kahit saan basta nakakalasing ang inumin natin." "Bakit ba gustong-gusto mong malasing? May problema ka ba, tol?" tanong ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD