I woke up early to prepare my first day of school. 9 AM ang start ng first subject ko, kaya 7 AM pa lang ay gising na ko para sa school na ako kakain ng breakfast.
Pagkatapos kong pumunta sa interview para sa papasukan ko na trabaho mamaya after class, diretso ako para mag-grocery.
After kong mag-ayos ng sarili ay tumayo na ko para pumasok. I'm just wearing a black fitted high waist jeans and a white crop top shirt and of course a converse shoes.
Since walking distance lang naman ang school sa bahay ay nag lakad na lang ako. Exercise din 'yun.
Pagdating ko do'n ay dumiretso ako sa registrar para kunin ang schedule ko para sa semester. After no'n ay hinanap ko cafeteria para makapag-breakfast na.
Malaki ang University na ito. Hindi mo akalain na may ganitong University ang isla na 'to. Kaunting pa lang ang mga students sa highway at pansin ko ang mga mapanuri nilang tingin sa akin.
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paghahanap ng cafeteria nang may humarang sa 'kin sa daan.
Tatlong lalaki sila. "Hi, miss! Bago ka lang dito?" nakangiting tanong ng lalaking nasa gitna.
"Ahm, yes." magalang na sagot ko.
"Anong oras klase mo? Samahan ka na namin." ani ng lalaking naka-brown ang t-shirt na may blonde ang buhok.
I smile at them. "Hindi na kailangan."
"Hoy, umalis nga kayo dito! Diba may mga klase pa kayo? Gusto niyo bang isumbong ko kayo sa Dean's office?" we heard a loud voice.
Lahat kami ay napatingin sa isang babae na papunta sa amin.
"Madison, wala namang ganyanan," aniya ng may black hair tapos printed na Lion ang suot na t-shirt. "Ini-entertain lang namin itong bago sa school natin."
Nang makalapit sa amin 'yong Madison ay nameywang siya sa tatlong lalaki.
"Wala akong pakialam! Ke-bago bago ng schoolmate natin, nagpapakita agad kayo ng katarantaduhan niyo! Hala, sige! Mag si-pasok na kayo sa mga klase niyo!" mataray na sabi nito sa tatlong lalaki.
Walang nagawa ang tatlong lalaki kundi ang umalis.
Humarap sa 'kin 'yong Madison at matamis na ngumiti. Tila nawala ang pagkamataray nito kani-kanina lang.
"Hello! I'm Madison Hernandez, president ng student council ng St. Willford University."
Naglahad siya ng kamay sakin at mabilis ko iyong kinuha para makipag-shake hands sa kanya.
"Crystal Snow Lopez," I said. "Nice to meet you!"
Hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Nice to meet you too, Snow! Since you're new in our school, mind me if I can be your tour guide?"
"Saan ang cafeteria?" tanong ko. "Kanina pa ko paikot-ikot dito, hindi ko mahanap. Hindi pa kasi ako kumakain."
Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at pinalupot ang mga kamay niya sa braso ko.
"Good! Hindi pa rin kasi ako kumakain. Sabay na lang tayo kung okay lang sayo." nakangiting tugon niya sa 'kin.
Ngumiti lang ako bilang ganti. "Okay lang naman." saad ko.
No choice na ko since nakapulupot na rin naman yung mga kamay siya sakin.
"Yehey!" sigaw niya at hinila na niya ko kung saan.
Feeling close.
Sambit ko sa isip ko pero mukha naman siyang mabait. May pagkamataray nga lang talaga ang hitsura niya.
Nagpadala ako sa hila ni Madison at habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay daldal siya ng daldal.
"Bakit ka nga pala nagawi dito sa Isle Esme?" isa sa mga tanong niya sakin.
"I just want a piece of mind," sagot ko.
"Naku! Talagang bagay ang Isla namin sa gusto mo. Maganda dito at kahit na Isla lang 'to ay marami kang mapupuntahan na magagandang lugar," she said, smiling. "Gusto mo sama ka sa amin ng mga kaibigan ko? Tu-tour ka namin!"
"Okay lang naman pero pwede sa ibang araw na lang? May interview pa kasi ako sa papasukan kong trabaho after class." tugon ko.
"Oo naman, 'no!"
Pumasok na kami sa cafeteria. Um-order kami pareho ng pagkain namin at hinila na naman niya ko sa isang upuan.
Okay na rin siguro na ganito at least may kakilala na ko.
Umupo kami sa table.
"Anong course mo?" tanong niya ulit bago isubo yung hot dogs.
Nilunok ko muna yung kinakain kong scramble egg bago siya sinagot.
"BSEd major in English Abel's-4." sagot ko.
She claps her hands. "OMG! We're classmates!" tili niya.
"Really?" Nababa ko ang spoon na hawak ko.
She nodded. "Yep! Sabay na lang tayong pumasok mamayang 9 AM." pagkatapos ay may tinawag siya. "Martinez, dito!" pigaw niya.
Napatingin ako sa entrance ng cafeteria at doon ay nakita ko ang isang lalaki. Matangkad siya, he's wearing fitted ripped jeans and a black shirt. Black ang kulay ng buhok niya at napaka-gwapo.
Ngumiti ang lalaki at lumapit sa amin.
"Kanina pa kita hinahanap, eh!" 'yan ang bungad niya sa'min pagkalapit at tumingin sa akin. "You must be new here." dagdag pa niya.
"Yep! She's Crystal Snow." sagot ni Madison kay Martinez. "Nasaan si Basty?"
"Ayun, oh!" Patingin ulit kaming tatlo sa entrance ng cafeteria.
A guy walking towards us. He's wearing green denim jeans and a white shirt. Black hair, pointed nose, a pompadour hairstyle and I also noticed his jawline. He's attractive in every area of his body.
"Martinez, madaya ka! Sabi ko hintayin mo ko, eh!" bungad niya sa amin pagkalapit.
Siniko siya ni Martinez. "Ang bagal-bagal mo kayang mag-ayos!"
"Nandito na tayo sa school ng iwan mo ako. Sabi kong hintayin mo ako at may nakita akong magandang dilag kanina, eh!" parang bata nitong sambit.
"Manahimik nga kayong dalawa!" saway ni Madison. "By the way, this is Crystal Snow Lopez. Our new schoolmate." Pagpapakilala sa akin ni Madison.
Tumingin ang dalawang lalaki sakin. Medyo na ilang pa ko sa uri ng tingin nila sakin.
"You have a nice name, Ms.Lopez." maginoong sambit ni Martinez.
"Snow na lang." ngumiti ako sa kanya.
"Great! I'm Martinez Bautista. The most handsome man in St. Willford University." aniya.
Binatukan siya no'ng Basty. "Pinagsasabi mo riyan? Mahiya ka nga!" ani nito at humarap sa'kin. "I'm Sebastian Herrera. You can call Basty, Crystal."
"Nice to meet you, guys!" I said to them. "Pero maganda sana kung Snow na lang, Basty."
He raised his thick brows. "Nope. I like calling you Crystal." he said while smiling.
"Hindi kasi ako sanay na tinatawag na Crystal." paliwanag ko.
Hindi talaga ako sanay since Snow ang nickname ko. Kahit sila Dad hindi ako tinatawag sa first name ko. I find it weird when someone calls me by my first name.
"Simula ngayon masanay ka na," simpleng sabi niya.
Napataas ako ng kilay dahil doon.I was about to open my mouth when I saw him smirked at me. Kasabay no'n ang pag-ring ng bell na ibig sabihin ay start na ng klase. Umalis si Basty na may nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.
Natulala ako.
"What a jerk!" I murmured.
"Hayaan mo na 'yun si Basty." tumingin ako kay Martinez. "May sapak lang talaga ang isang 'yun." saad nito at sumunod kay Basty na papalabas ng Cafeteria.
"Gano'n lang talaga 'yun si Basty, pero mabait naman siya." sambit ni Madison. "Tara na sa klase?"
Napailing na lang ako at sumama na kay Madison.
Natapos ang klase namin at diretso ako sa interview ko. Nagpaalam ako kay Madison na hindi ako sasabay sa kanila dahil nga sa job interview ko.
Ayoko rin na makita si Basty. Hindi ko pa rin makalimutan ang kabastusan niya kanina.
Hindi naman talaga kabastusan ang ginawa niya kanina. Pero para sa 'kin bastos na 'yun! Feeling ko hindi niya ginalang na mas gusto kong tawagin ako bilang Snow at hindi Crystal.
And the way he smiles. It's getting on my nerves!
Nang makarating ako sa job interview ko ay mabilis akong in-interview nung manager.
Nagtanong siya ng ilang katanungan at sinagot ko naman iyon ng maayos.
"Tanggap kana," sni ni Mr. Agoncillo. Siya ang manager namin. "You may start next week. Night shift ka para hindi sagabal sa studies mo."
"Sir, can I start tomorrow? Kung okay lang naman po."
Ngumiti siya sa akin. "Yes, of course you can!"
"Thank you again, Sir!" masayang sambit ko.
Napangiti ako. Bukas, kikita na ko ng sariling kong pera.
Paglabas ko sa convenient store. Doon kasi naganap ang interview ko. Nakita ko si Basty labas. Nakapulupot ang mga braso niya sa dibdib niya.
"Ang tagal mo! Kanina pa ko nandito." Halata ang pagkainis sa tono niya.
Kunot ang noong na lumapit ako sa kanya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Malamang sinusundo ka! Duh!" he jokingly rolled his eyes.
"Wala akong sinabing sunduin mo ako. Tsaka paano mo nalaman na nandito ako?"
"Crystal, ang liit lang ng Islang 'to. Dito na ko lumaki at bilang lang sa daliri ang convenient store dito sa Isle Esme." tugon niya.
I crossed my arms. "I told you to stop calling me Crystal!"
Lumapit siya sa 'kin. "Diba sabi ko masanay ka ng tawagin kitang Crystal." he smirked.
And, oh! I hate that smirk!
"Tara at pupunta pa tayo kanila Mads."
"Sinabi ko na kay Madison na hindi ako sasama," ani ko. "Maggo-grocery pa kasi ako, kaya pwede ka ng umalis."
"Edi, sasamahan kita." cool na sabi niya.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Ano bang kailangan mo sakin?" I ask.
"Wala," sagot niya. "Masama bang makipag kaibigan?"
"Hindi naman—"
"Oh, hindi naman pala eh. Tara na! Kanina pa naghihintay si Kuya."
Doon ko lang napansin na may tricycle pala sa likod niya. Wala na akong magawa kundi ang sumakay sa tricycle. Sumunod naman si Basty.
"Kuya, sa grocery po."
Tahimik lang kami pareho sa tricycle. Walang nagsalita sa amin hanggang sa huminto kami sa isang grocery store.
"Kuya, magkano po?" tanong ni Basty sa driver.
"Singkwenta lang, Boss." Sagot nito.
Naglabas ng fifty pesos si Basty mula sa bulsa niya at inabot iyun kay Kuya.
Nang makaalis ang tricycle ay hinarap ko siya.
"Salamat, pero hindi mo naman kailangang samahan pa ako dito." saad ko.
Nakasalubong ang dalawang makapal niya na kilay. "Okay lang naman sana na kung magpasalamat ka na lang sa pagiging gentleman at generous ko, pero bakit ba lagi kang may habol na dahilan sa huli?"
"Look, I'm not joking here!" iritadong sambit ko sa kanya. "Ano ba talaga ang kailangan mo sakin?"
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Sino ang nagsabi na nagbibiro ako? Crystal, I'm dead serious. Gusto kong makipag kaibigan sa 'yo. Paulit-ulit ka naman, eh!"
"Sabi kong huwag mo akong tawaging Crystal, eh!" napalakas ang boses ko.
Sobrang kulit naman ng lalaki 'to! Ni wala pang isang araw kaming magkakilala ang kulit na niya.
Kinurot niya ang kaliwang pisngi ko. "Ilan beses ko bang sasabihin na masanay ka na? Kasi kahit anong gawin mo, Crystal ang tawag ko sayo sa ayaw at sa gusto mo."
"Ouch!" daing ko dahil sa ginawa niya.
Binitawan niya ang pisngi ko.
"Tara na at sabi mo mag go-grocery ka. Ang init dito sa labas, oh!"
At ang loko naglakad na papasok ng grocery. I took a deep breath and tried to compose myself.
Easy Snow. Bago ka pa lang dito, kaya wag kang gagawa ng ikaka-pangit ng reputasyon mo sa Islang 'to. Kahit na sobrang kulit ng lalaking 'yun!