Nag-selos ako, pero hindi ako galit. I shouldn't have said that we are just friends! Sa sobrang selos lang na naramdaman ko, kaya ko sinabi na magkaibigan kami.
Hindi pumasok sa utak ko na magkakaganto si Crystal. She's drunk and dancing with another man! Nawala ang selos na nararamdaman ko at nainis sa sarili ko!
"Hey, let me go!" sigaw pa rin ni Crystal nang makaakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay namin.
"Wag kang malikot at baka malaglag ka!" sabi ko sa kanya at lumiko sa kaliwa dahil nandoon ang kwarto ko.
Nang marating ko ang kwarto ko ay agad ko itong binuksan at nilapag si Crystal sa kama. Nakasimangot siyang tumingin sa 'kin.
"Uuwi na ko," sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat niya. "You're staying here. Lasing ka, Crystal."
Inirapan niya ako. "Kaya ko ang sarili ko, tsaka don ka na lang kay Dennise. Mukhang nag-eenjoy ka kasama siya, eh!" ngumuso siya.
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa inaakto niya. "Look, I'm sorry for what I've said earlier. Hanggang ngayon kasi nagseselos pa rin ako sa nakita ko kahapon."
Mapungay ang mga mata niya ng tumingin sa'kin. "Wala naman kasing talaga 'yon, eh! Aaron was the one who kissed me, but I pushed him away. Hindi mo ko hinayaan na mag-explain sayo! Bigla ka na lang umalis tapos makikita kita rito na masaya kasama yang si Dennise."
"That's why I'm saying sorry to you right now. I know I'm at fault too." hinawakan ko ang kamay niya.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa'kin habang nakanguso ang labi niya.
"Magsalita ka naman."
"Basty... nasusuka ako," bulong niya at bago ko pa siya maalalayan papuntang CR ay sumuka na siya.
Nagkalat ang suka niya sa damit ko at sa lapag. Meron rin siyang suka sa damit. Tumayo at pumunta sa banyo para kumuha ng towel at pumunta ng closet ko para kumuha ng damit.
Kumuha rin ako ng damit na pwedeng masuot ni Crystal. I grabbed my purple rayon silky nightgown robe at bumalik kay Crystal na nakaupo na sa lapag at nakasandal sa kama ko.
Inalalayan ko siya para makatayo pinunasan ko ang damit niya. Pinaupo ko siya ulit siya sa kama.
"Maligo ka at suotin mo 'to," ani ko at nilagay damit sa kama.
"Ayaw," umiling siya. "uuwi na ko sa bahay."
"Crystal, wag na matigas ang ulo." inayos ko ang nakalugay niyang buhok.
"Ayaw! Galit ako sayo,"
"Susunod ka or gusto mong ako ang magpapaligo sayo?" tumingin ako sa kanya.
Ngumuso siya. "You don't want to do that," bulong niya.
Ngumisi ako. "Sinong may sabi na ayaw ko?"
Mabilis siyang tumayo at kinuha ang damit bago patakbo na pumunta sa banyo. Natatawa na umiling ako bago pinunasan ang suka niya sa lapag. Tinanggal ko ang coat na suot ko at nilagay iyon sa labahan.
Nang malinis ko ang suka ay napatingin ako sa pinto ng banyo ng lumabas si Crystal do'n. Na payuko siya tila na hihila sa suot niya. Ang laki ng damit ko sa kanya.
"Basty..." tawag niya sa'kin.
"Bakit?" tanong ko.
"Nahihilo ako," she pouted again. "feeling ko matutumba ako anytime."
At bago pa nga mangyari yun ay lumapit na ko sa kanya at inalalayan siya pumunta ng kama. Pinahiga ko siya at kinumutan. Nakapikit na ang mga mata niya nang kumuha ako damit sa closet at naglinis ng katawan.
Natapos ako at lumabas ng banyo. Nakita ko si Crystal na nakaluhod sa kama, nakatalikod sa'kin at may tinatanggal sa likod niya.
"Basty, halika rito." tawag niya.
"Ano bang ginagawa mo?" lumapit ako sa kanya.
"Tanggalin mo ang bra ko," aniya na kinamula ng pisngi ko.
"Crystal, matulog kana." pag-iiba ko ng topic.
"Hindi ko abot!" reklamo niya habang inaabot ang likod niya. "help me to take these off. I can't sleep when I'm wearing my bra!"
I took a deep breath before I went to her back. Tinaas ko ng kaunti ang damit niya, sakto na para maabot ang bra niya. I was carefully unhooking her bra, carefully not to touch her skin.
Nang ma-unhook ko ang bra niya mabilis niya tinanggal iyon at dumapa sa kama. Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ng makita siya kung paano matulog. Para siyang bata kung matulog.
Kinumutan ko siya bago pinatay ang ilaw at binuksan ng lamp shade bago humiga sa tabi niya. Nang makahiga ako ay humarap siya sa'kin.
"Sabi ko, matulog kana."
Kahit lamp shade lang ilaw namin ay naaninag ko ang pamumula ng mukha niya at mapungay na mata niya.
"S-sorry," sabi niya.
"Kanina, nagagalit ka sa'kin tapos ngayon nagso-sorry ka." mahina akong tumawa. "lasing kana talaga."
"Yes, I was angry at you earlier but I was at fault too. I shouldn't have gone to Aaron yesterday."
Inalis ko ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya. "Okay lang 'yon," ani ko. "alam ko namang hindi mo ginusto ang halik na 'yon, eh."
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. I was stunned for a moment, but then I kissed her back. I was about to pull her away, when she pulled me closer against her.
Kinabig niya ang batok ko at mas lalong pinalaliman ang halik. Ang init ng halik na binibigay niya sa'kin. I groan when she starts roaming her hand on my chest, gently rubbing it.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pumaibabaw ako sa kanya at patuloy na mapusok ko siyang hinalikan. I start nibbling her lower lip.
"Hmm," she moaned when I entered my tongue to her mouth.
Bumaba ang kamay niya sa suot ko na pajama.
And that hit me.
I grabbed her hands in my pajamas before I pulled away from our kiss. We're both catching out breaths because of the kiss.
I can't do this.
She's drunk and she doesn't know what she's doing right now. Hindi pwedeng mag-take advantage ako sa kanya dahil lasing siya.
"I can't," bulong ko sa kanya bago humiga sa tabi niya at hinila siya papalapit sa'kin.
Pinahiga ko siya sa braso ko. She encircles her hands around my waist.
"Matulog na tayo," sabi ko at hinalikan siya sa noo. "I love you."
Hindi siya sumagot kaya sinilip ko siya. Nakapikit na ang mga mata niya, sunod kong narinig ang maliit niyang hilik.
Mariin akong pumikit ng maalala ang nangyari. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hinayaan kong umabot kami sa gano'n. Ayokong isipin niya na kagaya ako ni Aaron.
I respect her at hindi ako gagawa ng mga bahay na ayaw at ikakagalit niya.